PAGTANGGAP

1619 Words

“Deimos at Althaia.” Muling humakbang palapit sa amin ang mandirigma ngunit nagulat kami parehas ni Deimos dahil sa sumunod na ginawa nito. Mabilis itong lumuhod sa kanyang kinatatayuan at parang bata na nagsimula sa kanyang pagngawa. “Ken?” Nagtatakang tanong ni Deimos sa ginagawa ng lalaki. Marahil ay iyon ang pangalan ng mandirigma. “Patawarin n’yo ako. Ipinapangako kong hindi ko na uulitin ang aking ginawa. Hindi na din ako magsasalita ng kahit ano laban kay Althaia. Magiging mabuting kasamahan na ako bilang mandirigma.” Kulang na lang ay tumulo ang sipon nito dahil sa ginagawang pag-iyak. Napansin ko na bahagyang napapangiwi si Deimos sa kanyang nakikita. Gayunpaman ay alam ko din na patatawarin nito ang lalaki dahil tila napakalambot ng puso nito at hindi kayang balewalain ang g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD