Maaga pa lamang ay gising na ako at tila hindi ko naramdaman ang aking pagtulog dahil hanggang ngayon ay inaantok pa din ako. Wala naman akong magagawa dahil kailangan ko ng bumangon upang pumasok sa opisina bilang mandirigma. Hindi kami nakapagsanay ni Deimos kahapon kaya tiyak ko na magsasanay kami ngayon. Nakapagdesisyon ako na harapin kung ano ang mangyayari ngayong araw dahil hindi ko din iyon maaaring iwasan. Kailangan kong tanggapin kung anuman ang mangyari upang manahimik ang aking isip sa pag-iisip ng kung anu-ano. Napakasarap tignan ni Vera habang natutulog dahil kahit anong oras ay maaari s’yang bumangon. Ano kaya ang ginagawa ko ngayon kung hindi ako nagdesisyon na maging mandirigma. Sa tingin ko ay pareho lang dahil kailangan ko pa din magtrabaho. Hindi ko hahayaan ang sar

