“Anong sinasabi mo na umiibig?” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kanyang sinabi. Ano na naman ba ang pinagsasabi nitong aking kaibigan. “Sabi ko naman diba na nakikita ko sa’yo lahat kung ano ang ikinikilos ng taong umiibig.” Parang wala lang na sagot sa akin ni Vera. ‘”Teka nga sabihin mo kung ano ang kahulugan ng sinasabi mo na nakikita mo sa akin.” Hindi ako malinawan kung ano ang kanyang tinutukoy. May nakikita ba s’ya na hindi ko nakikita sa aking sarili. “Okay ganito kasi yun.” Umayos na ako ng pagkakaupo upang pakinggan kung anong kalokohan ang sasabihin ni Vera. Ganun din ang ginawa ng kaibigan at mas lumapit pa s’ya sa akin upang masiguro na maririnig ko lahat ng kanyang sasabihin. “Una ay nasabi mo sa akin na gusto mo s’yang tignan.” Hindi ko maalala na sinabi ko iyon s

