PAGKILALA SA KAPATID

2248 Words
“O-oo iyon nga?” Nag-aalinlangan pa na sagot ko sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung anong mayroon bakit ganun ang kanyang reaksyon. Tila nais nitong masiguro ag aking pangalan sa hindi ko malamang dahilan. Wala ako masyadong kilala ditto sa kaharian maliban sa pamilya ni Vera. Hindi din ako sikat sa buong kaharian para may ibang makakilala sa akin. Ngunit sa nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha ay tila ba kilala ako nito. “Bakit mo naitanong?” Bahagyang nakakunot ang noo ni Vera dahil maging s’ya ay hindi matukoy ang reaksyon ng babae na nakabangga. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nito kung mapagkakatiwalaan. Hindi kami sigurado kung ano ang kailangan sa amin ng babae. Kasukuyan nitong pinapagpag ang dumi na napunta sa kanyang damit buhat sa pagkakatumba. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay muli ako nitong tinignan at tila binabasa ang bawat detalye sa aking mukha. “Sa wakas ay nahanap din kita.” Huminga pa s’ya ng malalim matapos n’ya akong suyudin ng tingin. Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin sa sinabi. Nasa gitna kami ng daanan kaya naman mabilis kaming hinila ni Vera patungo sa isang lugar na maaari kaming makapg-usap ng maayos. Sigurado akong labis din ang pagtataka ng aking kaibigan dahil sa narinig nito mula sa babae. Hindi ko matukoy ang dahilan kung bakit n’ya iyon sinabi. Sa aking pagkakaalam ay walang posibleng dahilan para may maghanap sa akin. Bahagya akong natigilan nang may maisip na isang posibleng dahilan ngunit bago ko pa iyon maisatinig ay muling nagsalita si Vera. “Ngayon ka lang naming nakilala at hindi din maganda ang ating unang pagkikita kaya gusto kong malaman ang iyong dahilan base sa iyong sinabi.” Tila nag-iimbestiga na tanong nito sa babae. Ganito ako protektahan ni Vera. Muli kong pinagmasdan ng mabuti ang mukha ng babae. Gusto kong makatiyak kung tama ang aking naiisip na posibleng dahilan kung bakit ako nito hinahanap. Sinuyod ko din ng tingin ang kanyang mukha gaya ng ginawa nito sa akin kanina. Posibleng tama ang aking naisip dahil ganun ang kanyang ginawa. “Bago ang lahat ay gusto ko muna magpakilala sa inyong dalawa at gusto ko din sabihin na hindi masama ang aking intensyon.” Panimula nito dahil tila mababasa na ni Vera maging ang kanyang kaluluwa dahil sa paraan ng pagkakatitig nito.    “Kung ganun ay bakit mo hinahanap si Althaia?” Nakataas pa ang kilay na tanong sa kanya ni Vera. Pinisil ko ang braso ng kaibigan para ipaalam sa kanya na hayaan muna magpaliwanag ang babae upang malaman namin ang dahilan nito. “Ang totoo ay madami din akong tanong para sa’yo upang mapatunayan na ikaw nga talaga ang aking hinahanap.” Itinuro pa ako nito kaya muli s’yang pinagtaasan ng kilay ni Vera. “Ang ibig mo sabihin ay hindi ka pa sigurado na si Althaia nga ang iyong hinahanap?” Tumango lamang ang babae bilang sagot sa tanong ng aking kaibigan. Nagpalinga-linga ako at napansin na pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. Nasa gilid na kami pero nakakaagawa pa din kami ng pansin sa mga tao. “Sa tingin ko ay madami tayong kailangan pag-usapan kaya mas makakabuti siguro kung isabay na natin ang meryenda.” Suhestiyon ko dahilan para pandilatan ako ng mata ni Vera. Gusto ko din talaga malaman ang kanyang dahilan upang masagot ang aking tanong sa sarili. Sa huli ay napagdesisyunan namin na pumasok sa pinakamalapit na resto na aming nadaanan. Agad akong morder ng pagkain para sa aming tatlo. Hindi ako sigurado pero tila namamangha ang babae na aming kasama sa mga pagkain na nakahain sa aming lamesa. “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang tungkol sa paghahanap mo sa akin o kay Althaia kung may kapareho ako ng pangalan.” Tumango lamang ang dalawa at magkakasabay na kaming kumain. “Hindi ko akalain na ganito kasarap ang mga pagkain dito sa mundo ng mga tao.” Wika nito na bahagyang tumigil sa pagsubo upang namnamin ang pagkain. Magkasabay naman kaming nagkatinginan ni Vera na tila parehong nagtataka sa sinabi n gaming kasama. “Bakit saan mundo ka ba galing?” Tila sinusubukan lang na tanong ni Vera sa kanya kaya tumigil muli ang babae sa kanyang ginagawang pagkain upang sagutin ang tanong ng aking kaibigan. Binigyan atensyon ko din kung ano ang isasagot nito. “Ako nga pala si Avarice at galing ako sa kaharian ng Elysian.” Sagot nito at inilahad pa ang kanang kamay upang makipagkilala ng ayos sa amin. Ang totoo ay napakunot ang aming noo sa naging sagot ng babae dahil hindi pa naming kailanman narinig ang kaharian na sinabi nito. Hindi tuloy naming tiyak kung nagsasabi ng totoo ang babae pero nakipagkamay pa din kami sa kanya kahit pa nga nagdadalawang isip kami ni Vera. “Ikinagagalak namin ang makilala ka Avarice.” Tila napipilitan na wika ni Vera sa kanya. Mabuti na lamang at hindi iyon napansin ng babae at muli itong nagpatuloy sa pagkain. Nauna akong natapos kumain at sumunod sa akin si Vera. Si Avarice ang pinakahuling natapos kumain dahil tila ninanamnam nito ng ayos ang kanyang kinakain bagay na nakakapagpataka lalo sa akin. “Maaari mo na ba sabihin sa amin ang iyong dahilan kung bakit mo hinahanap si Althaia.” Pakiramdam ko ay hindi na makapaghintay si Vera na malaman ang tungkol doon. Sabagay ay naiintindihan ko naman ang aking kaibigan dahil natigil ang masayang pamimili at pamamasyal nito ngayong araw dahil sa babaeng kasama namin ngayon. “Nawawalang kapatid ko si Althaia.” Walang pag-aalinlangan na sagot nito kay Vera matapos punasan ang kanyang bibig upang alisin ang dumi na nakuha sa ginawang pagkain. Bahagya akong nagulat nang malaman ang dahilan nito. Kung ganun ay tama ang aking naisip na dahilan nito kung bakit ako hinahanap. Hindi ko akalain na mangyayari ang bagay na hiniling ko noon. Gayunpaman ay may mga bagay pa din ako na nais malaman upang masiguro na ako nga ang Althaia na kanyang hinahanap. “Sandali maaari mo ba sabihin sa amin ang ibang bagay tungkol sa iyong sinabi.” Tila naguguluhan at hindi makapaniwal na wika ni Vera. Mabuti na lamang at kasama ko ang kaibigan at s’ya ang nakikipag-usap sa babae. Ang tanging ginagawa ko na lamang ay makinig sa kanilang dalawa. “Ang totoo ay hindi ko din alam ang ibang detalye kaya wala akong masabi sa inyong ibang bagay. Ang nasisiguro ko ay pinapahanap sa akin ng hari ang nawawala kong kapatid na si Althaia.” Mukhang totoo naman ang sinabi ni Avarice base sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha. “Sinabi n’ya ba sa’yo kung paano mo s’ya makikilala?” Muling tanong sa kanya ni Vera dahilan para mapatango ako kasi iyon din ang nais kong malaman. “Ang sabi n’ya sa akin ay makikilala ko kaagad si Althaia kapag nalaman ko na magkapareho kami ng kapangyarihang hawak.” Diretso ang tingin n’ya sa akin nang sabihin iyon at tila nais nitong malaman ang magiging reaksyon ko sa kanyang sinabi. Napatingin din sa akin si Vera at pinandilatan pa ako ng mata na tila sinasabi sa akin na kapatid ko nga si Avarice. Wala akong ibang kilala na kapareho ko ng pangalan. Isa pa ay nag-iisang Althaia lamang ako sa aming opisina na may kapangyarihan. “Anong kapangyarihan naman iyon.” Laking pasalamat ko talaga at nasa tabi ko si Vera. Muli nitong tinanong si Avarice na kasalukuyan pa din nakatingin sa akin. Ngunit hindi lang panlalaki ng mata ang aking naging reaksyon sa sunod na ginawa ni Avarice. Sa halip kasi na sagutin nito ang tanong ng aking kaibigan ay ipinatong nito ang magkabilang kamay sa lamesa. Napatingin ako doon dahil tila may nais s’yang ipakita sa akin at tama nga ang aking hinala dahil iyon ang kanyang ginawa. Itinikom muna nito ang kanyang palad at dahan-dahan n’ya iyong ibinuka. Sa pagbuka ng kanyang mga palad ay ang pagsilip din ng liwanag na nagmumula doon. Ang liwanag na masasabi kong katulad nang lumalabas sa akin kapag pilit na kinokontrol ang kakayahan. “A-Althaia, kapatid mo nga si Avarice.” Mas nauna pa si Vera na magsalita sa akin. Ako naman ngayon ang napatitig sa mukha ni Avarice. Tama si Vera dahil sa aking nakita ay hindi ko na kailangan pa magdalawang isip upang masiguro na ako nga ang hinahanap nito. Malaking patunay ang kapangyarihang taglay nito na kaparehas sa akin. Gusto kong magsasayaw sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay may kapamilya na ako ngayon na makakasama. Hindi pa din ako makapaniwala na nangyari na ang bagay na aking hiniling. Hindi ko pa nakokontrol ang aking kakayahan pero heto at nakita ko na agad ang isa sa aking kapamilya. “T-totoo ba ang iyong sinabi?” Hindi din makapaniwala na tanong ni Avarice kay Vera. Siguro ay hindi din nito akalain na sa wakas ay nakita na ako nito. Tumango naman si Vera bilang sagot sa kanyang tanong dahilan para magliwanag ang mukha ng aking kapatid. “Pareho ba talaga tayo ng kapangyarihan?” Ibinaling naman nito ang atensyon sa akin. Tumango lang din ako bilang sagot sa kanyang tanong pero base sa kanyang hitsura ay tila nais nitong makita ang aking kapangyarihan. “Ang totoo ay hindi ko pa s’ya alam kung paano kontrolin kaya ito lang ang kaya kong iapakita sa’yo.” Pag-amin ko sa kanya at ginaya ang ginawa nito kanina sa pagpapakita sa akin ng kanyang kapangyarian. Mas lalong nagliwanag ang mukha nito nang mapatunayan na pareho nga kami ng kakayahan. Nagulat na naman ako sa sunod na ginawa nito. Tumayo s’ya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. Agad ako nitong niyakap dahilan para hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin. Mas minabuti ko na gantihan na lamang ang yakap nito. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon kaya hindi ko agad naipakita sa kanya ang saya na nararamdaman ko. Napangiti pa ako nang gantihan ang mahigpit nitong pagkakayakap sa akin. Ganito pala ang pakiramdam na makilala ang iyong totoong kapamilya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Napatingin ako sa aking kaibigan nang maghiwalay na kami ni Avarice sa pagkakayakap at bumalik na ang babae sa kanyang kinauupuan. Bahagyang naluluha si Vera na marahil ay nasisiyahan din sa nangyayari ngayon. “Sa wakas ay may matatawag ka ng totoong kapamilya.” Tinapik pa nito ang aking balikat. Parang gusto ko din tuloy umiyak dahil tila nahawa ako sa hitsura ngayon ni Vera. “Hindi ako makapaniwala na makikita kita agad.” Nabaling muli ang atensyon naming ng kaibigan sa sinabi ng aking kapatid. Bahagya akong napaisip nang may maalala. “Bakit nga pala ngayon mo lang ako hinanap?” Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Matagal bago ako nito sinagot at tila iniisip pa kung ano ang dapat n’yang sabihin sa akin. “Gaya ng sabi ko kanina ay hindi ko talaga alam ang ibang detalye. Nagulat na lang ako isang araw nang banggitin ka sa akin ng hari at ipahanap. Ang totoo ay nagulat din ako ng malaman na may nawawala akong kapatid. Gayunpaman ay hinanap kita at sinunod ang gusto ng ating Ama kahit pa nga wala akong alam tungkol sa’yo.” Mahabang paliwanag nito sa amin. Tinanguan ko na lamang ulit s’ya. Sa tingin ko ay sapat na ang kaalaman na kapatid ko s’ya at ipinahanap ako ng aming Ama. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa pala akong tatay na matatawag. Hindi pa pala ako ulila gaya ng aking iniisip. “May gusto pa pala akong malaman. Base kasi sa iyong reaksyon kanina ay tila ngayon ka pa lamang nakatikim ng pagkain na kinain natin kanina.” “Ah oo tama ka d’yan dahil walang ganyan sa ating kaharian.” Mabilis na sagot nito sa aking tanong. “Oo nga pala gusto ko din malaman kung saan ang iyong kaharian dahil ngayon ko lamang narinig ang pangalan nito.” Nakakunot noo na tanong din sa kanya ni Vera. “Doon tayo nakatira.” Nakaturo ang hintuturo nito sa taas kaya mas lalong kumunot ang noo ni Vera. Hindi ko gustong isipin na ang tinutukoy nito ay ang langit pero tila nabasa nito ang aking iniisip at tumango-tango pa. “Kung ganun ay paano ka nakarating dito?” Muli kong tanong sa kanya upang malaman kung paano nga nakapunta dito ang babae kung nagmula s’ya sa langit. “Ginamit ko ang aking kapangyarihan. Bahagya nga akong nainis dahil hindi ko akalain na sa liblib na lugar ako babagsak.” Tila may naalala ako sa kanyang sinabi. “Kailan ka dumating dito?” Gusto ko ulit matiyak kung tama ang aking iniisip. Bahagya pa s’yang nag-isip bago ako sinagot. “Nung isang araw lang. Ang totoo ay may nakakita sa aking lalaki pero dahil hindi ko pa alam kung paano makisalamuha sa tao kaya mabilis din akong nagtago.” Pag-kuwento pa nito sa nangyari. Sa tingin ko ay tama nga ang aking naisip. “Ikaw pala ang babaeng nakita ni Deimos.” Bulong ko sa sarili nang masiguro na s’ya ang hinahanap ng aking kasintahan na nagdulot ng pagsabog dito sa pamilihan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD