MULING PAGTATAGPO

2236 Words
“Halika na at baka hinahanap na tayo ng mahal na hari.” Narinig kong anyaya ni Vera sa aking kapatid dahilan para tumayo silang dalawa mula sa kanilang pagkakaupo. Tumayo na din ako upang sumabay na sa kanilang umuwi. Medyo madilim na ang paligid at oras na din talaga para umuwi lalo at hindi pa ako sanay sa mundo ng mga mortal na tao. “Uuwi ka na din ba?” Malumanay na tanong sa akin ni Althaia at tumango lamang ako bilang sagot sa kanyang tanong. “Mabuti kung ganun.” Wika naman ni Vera. Ang totoo ay wala kami masyadong napag-usapan ngayong araw dahil abala kaming lahat sa mga magagandang bagay na nakikita namin sa paligid. Kung iisipin ay para kaming matagal ng magkakakilala base sa aming ikinikilos kanina. Ang totoo ay masaya ako dahil ngayon ko lang naranasan ang ganitong bagay. May mga kaibigan din naman ako sa aming mundo pero hindi ganito an gaming samahan gaya ng nakikita k okay Althaia at Vera. Iisipin mo na magkapatid silang dalawa dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Natutuwa ako na ganitong klase ng mortal na tao ang nakakasama ng aking kapatid kahit wala kami sa kanyang tabi. Hindi ko pa din akalain na makikilala at mahahanap ko agad si Althaia. Tila napakabilis ng pangyayari pero masaya ako dahil sa wakas ay nagtagumpay na ako sa aking misyon. Hindi ko pa nga pala batid kung ano ang susunod na dapat kong gawin dahil wala pa akong natatanggap na mensahe mula sa aking Ama. Hindi ko din alam kung anong nangyari bakit nahiwalay sa amin si Althaia at tila ngayon lamang s’ya naalala ng aking Ama. Sigurado ako na may dahilan kung bakit ito nangyari at kailangan kong malaman ang tungkol doon. Sa ngayon ay ibabalita ko agad sa kanya ang nangyari kahit sinabi nito sa akin na pinagmamasdan nito ang aking ikinikilos. Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko sa panahon na makilala ang aking kapatid. Tama nga ang hari na makikilala ko kaagad si Althaia sa pamamagitan ng kapangyarihan na taglay namin parehas. Tahimik kong pinagmasdan ang mukha ng aking kapatid. Ang totoo ay hindi kami magkamukha kayta hindi mo agad masasabi na magkapatid kami. Gayunpaman ay nararamdaman kong s’ya nga si Althaia na aking hinahanap. “Saan ka nga pala tumutuloy ngayon?” Natigilan ako sa ginagawang pagtingin sa kanya nang marinig ang tanong nito. Hindi ko pa nga pala iyon nababanggit sa kanya. Hindi ko din alam kung saan s’ya nakatira at wala pa akong ibang nalalaman tungkol sa kanyang buhay. “Sa ngayon ay may inuupahan akong isang silid na maari ko lamang tulugan dahil hindi din naman ako magtatagal dito sa inyong mundo.” Siguro ay babalik na din ako agad sa aming kaharian dahil nakilala ko na ang aking kapatid. Pero hihintayin ko pa rin kung ano ang magiging mensahe at bilin ng mahal na hari bago ako tuluyang umalis. “Nais mo ba na ihatid ka namin?” Tila nag-aalalang tanong sa akin ni Althaia. Ganito pala ang pakiramdam ng may kapatid na iyong makakausap. “Naku huwag na lalo at magdidilim na din, siguro ay sa ibang araw na lamang.” Nahihiya kong sagot sa kanya. Pumayag naman si Althaia kaya tuluyan na kaming naghiwalay ng landas dahil magkaiba ang direksyon na aming tatahakin pauwi. “Magkita ulit tayo bukas at puntahan mo lamang ako sa opisina ng mga mandirigma.” Bilin pa nito sa akin at kinawayan pa ako ng medyo makalayo sila sa akin. Hindi ko man naintindihan kung ano ang lugar na kanyang sinabi ay tumango na lang din ako bilang pagsang-ayon. Hahanapin ko na lang kung saan  iyon dahil gusto ko din s’yang makausap pa ng mas matagal. Nang makasakay ang dalawa sa karwahe ay nagsimula na din ako sa aking paglalakad dahil malapit lamang sa pamilihan ang aking tinutuluyan. May ngiti sa labi at tila bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Sigurado akong ikukuwento ko sa aming Ama ang nangyari ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang matigilan ako dahil naramdaman ko ang presensya ng aking Ama. Akala ko ba ay pinagmamasdan n’ya ako pero bakit sa ganitong pagkakataon n’ya ako balak makausap. “Avarice.” Tama nga ang aking naisip dahil heto at tinawag na nga ako ng hari. Tuluyan na akong tumigil sa paglalakad at naghanap ng maaari kong upuan. “Mahal kong Ama.” Sambit ko ng makaupo na ako ng ayos sa isang putol na punong kahoy hindi malayo sa mismong kalsada. “Ikinagagalak kong nahanap  mo na ang iyong kapatid.” Halata sa kanyang boses ang saya sa misyon na aking napagtagumpayan. “Mabuti naman at ganyan ang inyong nararamdaman.” Hindi ko din mapigilan ang saya sa aking boses.Ngunit saglit lamang iyon dahil naalala kong hindi pa nga pala nito binabanggit sa akin kung ano ang susunod na dapat kong gawin. “Nais kong malaman kung gusto mo na ba bumalik sa ating mundo?” Hindi ko inaasahan na ito ang unang itatanong n’ya sa akin. Pinkiramdaman ko muna ang aking sarili at siniguro kung ano ang laman ng aking puso. Gusto ko na ba bumalik? Ang totoo ay nahahati ang aking desisyon ngayon dahil nais ko pa makilala ang aking kapatid. Isa pa ay nais ko din makita muli ang lalaking una kong nakita sa mundo ng mga mortal. Tila madami pa akong kailangan gawin sa mundong ito. “Naiintindihan ko kung hindi ka pa babalik sa atin.” Tila nabasa ng aking Ama kung ano ang laman ng aking isip. Gusto ko din naman bumalik na dahil may mga kailangan din akong tapusin sa aming kaharian gayunpaman ay mas malakas ang aking pagnanais na manatili sa lugar na ito. Sa huli ay nakapagdesisyon akong manatili muna at makilala pa ng lubusan si Althaia at mahanap ang lalaking aking nakita. “Maraming salamat Ama.” Iyon na lamang ang aking nasambit. Wala ng ibang binanggit ang hari maliban sa mag-ingat lamang ako sa lugar na ito at s’ya na daw ang bahala sa mga kailangan kong gawin sa aming kaharian. Nagpatuloy na ulit ako sa aking paglalakad at madilim na ang lugar na aking nilalakaran ngayon. Hindi ko nais na mapahamak ako dahil sa aking pananatili sa lugar na ito kaya kailangan kong mag-ingat. Binilisan ko na din ang aking paglalakad upang masiguro ang aking kaligtasan. Malpit na ako sa bahay na aking tintuluyan ng may makita akong isang lalaki at tila pamilyar sa akin ang bulto nito. Isang beses ko pa lamang s’ya nakikita pero sigurado ako at natatandaan ko ang kanyang hitsura. Siniguro ko sa sarili na hindi ko kailanman iyon makakalimutan. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad upang makalapit ng tuluyan sa lalaking nasa harapan ng bahay na aking tinututuluyan. Tila naramdaman din nito ang aking presensya kaya agad n’ya din akong nilingon dahilan upang magtama ang mga mata. Bahagyang naningkit ang mga mata nito at tila binabalikan sa kanyang isip kung saan ako nakita. Tuluyan na akong lumapit sa kanya upang mas makita nito ang aking mukha dahil nasa tapat na ako ng liwanag. Ang naniningkit nitong mga mata ay biglang nanlaki dahilan para matiyak ko na nakilala ako nito. “Hindi ba at ikaw ang babaeng nandun sa pinangyarihan ng pagsabog?” Naninigurong tanong nito habang nakaturo sa akin. “Oo ako nga.” Mabilis kong sagot dahil hindi ko kailangan magsinungaling sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” Nakakunot na ngayon ang noo nito at tila hindi maintindihan kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. “Dito ako tumutuloy kaya nandito ako ngayon.” Mga mata ko naman ang naniningkit ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip ngayon. Pakiramdam ko ay madaming bagay s’ya na nais itanong sa akin. “Hindi ko akalain na dito kita mahahanap.” Napapitik pa ito ng kanyang daliri. Npaakunot naman ang aking noo nang marinig ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” Gusto kong masiguro na hinahanap ako nito base sa kanyang sinabi kanina. “Ahh hinahanap kita dahil may kailangan akong itanong sa’yo kung bakit ka nandoon sa lugar na iyon.” Bahagya akong napasimangot dahil sa narinig. Akala ko pa naman ay may ibang dahilan kung bakit n’ya ako hinahanap. Sa tingin ko ay may katungkulan ang lalaking ito sa lugar na ito base sa paraan ng kanyang pakikipag-usap sa akin. Tila kailangan n’ya akong imbestigahan upang malaman ang aking dahilan kung bakit ako nasa lugar na iyon. Ano kaya ang kanyang mararamdaman kapag nalaman n’ya na ako ang may gawa ng pagsabog na iyon. “Ako nga pala si Deimos pasensya na nakalimutan kong magpakilala sa iyo.” Inilahad nito ang kanyang kanang kamay sa akin upang makipagkilala. Napangiti ako ng masilayan ang napakagwapo nitong mukha na mas lalong tumingkad sa aking paningin dahil sa ngiti na nasa labi nito ngayon. “Avarice, ikinagagalak kitang makilala.” Maikling pakilala ko sa kanya. Nakipagkamay ako at matagal bago ko binitawan ang kamay nito. “Maaari ba kitang imbitahan bukas na sumama sa akin sa aming opisina doon na lamang kita tatanungin sa mga kailangan kong malaman.” Hindi na ako naghintay ng iba pa nitong sasabihin at agad akong tumango sa kanya bilang pagpayag. Ito na ang pagkakataon ko na mapalapit sa kanya kaya hindi ko ito palalampasin.  Ang swerte ko naman yata ngayon dahil nangyari na ang dalawang bagay na kailangan kong gawin. Una ay nahanap at nakilala ko na ang aking kapatid. Ngayon naman ay nahanap at nakilala ko na din ang lalaking nagpatibok sa aking puso. Hindi lamang iyon dahil magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makasama sila sa mas matagal na panahon hanggang sa magdesisyon akong bumalik sa aming kaharian. “Sige sumabay ka nalang bukas sa aking pagpasok upang hindi ka na mahirapan na magtungo doon.” Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na madaming magagandang bagay ang mangyayari sa akin dito. Sa isipin na sasabay ako sa kanyang pagpasok ay nagpapakilig na sa akin. “S-sige dito na lang din ako maghihintay bukas.” Hindi naman maganda tignan kung sa aking silid pa ako nito susunduin.  S’ya naman ang tumango ngayon bilang sagot sa aking sinabi. “Sige aakyat na ako at maaga pa ako bukas.” Pagpaalam nito sa akin at tuluyan ng umakyat sa bahay na aming tinutuluyan. “Deimos.” Binanggit ko pa ang pangalan nito bago ako nagdesisyon na umakyat  din at makapagpahinga dahil nararamdaman ko na ngayon ang pagod sa maghapon na paglilibot namin nina Althaia at Vera. Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi nang makapasok ako sa silid na aking tinutuluyan. Mukhang magtatagal pa ako sa mundo ng mga tao. Naglinis na ako ng katawan at inihanda ang aking sarili sa pagtulog. Kailangan maging maganda ako bukas dahil makakasama ko si Deimos. Gayunpaman ay tila hindi ako agad makakatulog. Tila bumabalik sa aking balintatataw ang napakagwaponmg mukha nito na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang babae ngayon. Napatili pa ako ng mahina upang ilabas ang kilig na aking nararamdaman. Nasasabik na ako para sa mangyayari bukas kaya sa ayaw ko man o gusto ay kailangan ko ng matulog dahil baka iwan ako ng lalaki bukas. Naaalala ko na kailangan ko din pala puntahan ang lugar na binanggit ni Althaia kanina. Siguro ay magpapasama na lang din ako kay Deimos bukas upang malaman kung saan ang lugar na iyon. Sasamahan naman siguro ako nito lalo kapag nalaman n’ya na hindi ako taga dito sa kanilang lugar. Hindi ko alam kung bakit ang dami kong iniisip ngayon na maaaring mangyari. Nung una ay natatakot pa akong manatli sa mundong ito pero heto at tila  nagagalak ako sa mga posibleng mangyari sa aking pananatili. Napahaba na naman ang oras ng aking pag-iisip at hindi namalayan ang oras. Napansin kong maghahating-gabi na kaya pinilit ko ng makatulog. Dala ng pagod sa paglilibot kanina at sa dami ng aking iniisip ay tuluyan na akong nilamon ng antok dahilan para makatulog. Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Nang masigurong maayos na ang aking hitsura ay nagpasya na akong bumaba at naabutan kong naghihintay na doon si Deimos. “Magandang umaga.” Matamis na ngiti kong bati sa kanya. Npakagawapo talaga ng lalaki kahit anong oras. Sa tingin ko ay mas gwapo s’ya ngayon lalo at basa pa ang buhok nito. “Magandang umaga din, halika na.” Bahagya akong napasimangot nang magpatiuna s’ya sa paglalakad. Akala ko pa naman ay hahawakan nito ang aking kamay upang alalayan ako sa paglalakad. Nasapo ko na lang ang sariling noo dahil sa aking naisip. Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon samantalang kagabi lang kami nagkakilala ng lalaki. “Avarice masyado kang asumera.” Pagsaway ko sa sarili at binilisan ang paghakbang dahil medyo malayo na sa akin si Deimos. Masaya pa din ako dahil magkasabay kami ngayon at magkasama sa karwahe na patungo sa kanyang opisina. “Deimos.” Muling bigkas ko sa pangalan ng lalaki bago ako nagpasyang tumingin sa aming dinadaanan.                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD