“Tiyak kong matutuwa si Althaia kapag nalaman n’ya na kasama ko ngayon ang babaeng hinahanap namin.” Sambit ko sa sarili bago ako lumabas ng aking silid kanina upang hintayin sa baba ng bahay si Avarice.
Isang arw ko pa lang hindi nakikita ang akin kasintahan pero miss ko na agad ang babae. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako pagdating kay Althaia. Wala na akong ibang hihilingin pa maliban sa magtagal kaming dalawa. Hindi ko nais na maghiwalay pa kami at handa na akong makasama s’ya panghabambuhay.
Hindi pa din ako makapaniwala na nahanap ko na ang babae. Kung saan-saan lugar pa ako naghanap dito ko lang pala s’ya matatagpuan. Iisang bahay lang pala ang aming tinutuluyan. Mabuti na lamang at nanatili ako sa labas ng bahay kagabi at hindi ako nagpasyang lumabas kaya nagkita kaming dalawa.
Gayunpaman ay may iba akong pakiramdam sa babaeng kasama ngayon. Iba ang paraan ng pagtingin n’ya sa akin kaya naman bahagya akong umiiwas. Hindi ko nais na iba ang isipin ni Althaia kapag nakita n’ya ito.
Tatanungin ko na lamang ang lahat ng bagay na kailangan kong malaman tungkol sa kanya upang hindi ko na muling makita ang babae. Isa pa ay hindi lang iyon ang aking nararamdaman dahil parang may ibang taglay na enerhiya ang babaeng ito na hindi ko matukoy kung ano.
Muli kong tinignan ang babae na abalang nakatingin sa aming dinadaaanan. Sa tingin ko ay ngayon n’ya lamang ito nakikita. Malakas ang pakiramdam ko na hindi taga dito ang babaeng ito. Hindi ko nais isipin na padala s’ya ng kalaban hangga’t hindi ko nalalaman ang sagot sa aking mga katanungan.
Malayo pa lang ay tinatranaw ko na an gaming opisina dahil gusto kong tignan kung nandoon na si Althaia. Gusto kong makita ang kanyang magiging reaksyon kapag nakita n’ya na kasama ko na ang babaeng hinahanap namin.
“Nandito na tayo.” Sambit k okay Avarice nang tumigil ang karwahe na aming sinasakyan. Ngumiti lamang ang babae at sumunod na din sa aking bumaba buhat sa sasakyan.
“Tama nga ang aking naisip na may katungkulan ka sa mundong ito.” Nakangiting wika nito nang makaalis na ang karwahe at buksan ko ang tarangkahan ng aming opisina. Nakita ko na naman ang makahulugan nitong ngiti sa akin.
“Oo, ako ang pinuno ng mga mandirigma sa kaharian ng Daesyn.” Sagot ko sa kanya at nagpatiuna na sa paglalakad upang makapasok na kami sa opisina. Tumango lamang ang babae sa aking sinabi at tahimik na sumunod sa akin.
Bahagya akong napasimangot nang si Marko lamang ang madatnan sa opisina. Ibig sabihin ay wala pa ang babaeng mahal ko. Gayunpaman ay kailangan kong simulan agad ang aking pagtatanong kay Avarice upang makaalis din agad ang babae. Hindi ko nais na ubusin ang buong araw nito dahil lamang sa mga katanungan na nais kong malaman ang sagot mula sa kanya.
“Maupo ka muna dahil may kukunin lamang ako.” Itinuro ko sa kanya ang upuan sa harap ng aking lamesa at sinenyasan si Marko na tignan muna si Avarice. Nasa loob ng silid na aking tinutulugan ang papeles na para sa insidenteng nangyari ng araw na iyon kaya kailangan ko munang kunin bago ako magsimula sa kailangan kong gawin.
Hindi nagtagal ay bumalik din ako agad sa aking puwesto upang simulant na ang pagtatanong. Mataman kong sinenyasan si Marko na manatili lamang dito sa opisina habang nandito si Avarice. Hindi ko nais na madatnan kami ni Althaia na kaming dalawa lamang dito sa loob.
Naniningkit pa ang mata ni Marko na tila hindi nasusundan kung ano ang nais kong gawin n’ya. Hindi nagtagal ay naintindihan na din nito ang aking ibig sabihin. Labag man sa kanyang loob ay muli itong umupo sa kanyang puwesto at isinubsob ang mukha sa papeles na kailangan n’yang gawin.
Hindi na natuto ang lalakking ito. Alam naman n’ya na madami s’yang kailangan tapusin pero hindi n’ya iyon nagagawa. Madalas tuloy s’yang tinutulungan ni Althaia para mapadali ang kanyang trabaho. Pasalamat s’ya at kasama namin ang babae sa opisina at natutulungan s’ya sa kanyang gawain.
Likas na mabait at matulungin si Althaia kaya kahit pinipigilan ko s’ya ay hindi pa din nito makontrol ang sarili na hindi tulungan si Marko dahilan para masanay ang lalaki. Kaya ito ang ilan sa nagiging parusa ko sa kaibigan.
“Magsimula na tayo.” Ibinaling ko na ang aking atensyon kay Avarice upang simulan na namin ang dapat gawin.
“Sige.” Mabilis na sagot naman nito sa akin at mataman akong tinignan dahilan para bahagya akong maalangan sa kanya. Gayunpaman ay kailangan kong tiisin ang tingin nito sa akin dahil may kailangan ako sa kanya.
“Nais kong malaman kung may kinalaman ka sa nangyaring pagsabog ng araw na iyon.” Ito agad ang una kung itinanong sa kanya dahil hindi ko nais na magpaligoy-ligoy pa kami. Gusto kong malaman kung s‘ya ang may gawa ng bagay na iyon upang malaman ko kung ano ang susunod na dapat kong itanong sa kanya.
Nakatitig lamang s’ya sa akin pero tila wala s’yang balak na sagutin ang aking tanong. Napakunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip ngayon. Kung nandito lang sana si Althaia ngayon ay hindi magiging ganito ang aking pakiramdam.
“Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot sa iyong tanong.” Walang pag-aalinlangan na sagot nito sa akin. Hindi ko maintindihan pero tila nagbago ang kanyang presensya ngayon. Hindi ko a din nais isipin na padala s’ya ng aming kalaban gayunpaman ay iisa lamang ang ibig sabihin ng kanyang sinabi.
“Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo dito?” Tuwid ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang titig ng babae. Hindi ko namalayan na bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa nito si Althaia na bahagyang nagulat sa kanyang nakikita.
“Althaia nandyan ka na pala!” Malakas na wika ni Marko dahilan para mapatingin kami parehas ni Avarice sa kanyang kinatatayuan. Napatayo din ako agad dahil ayaw kong iba ang isipin nito sa kanyang nakikita.
Bahagyang naningkit ang aking mata nang mapansin na tila ioba ang reaksyon na inaasahan kong mkikita sa kanya. Tila masaya pa ito sa kanyang nakikita. Maging si Marko ay hindi inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ni Althaia.
“Avarice!” Masayang sigaw ng aking kasintahan at agad na nilapitan ang babae na nakaupo pa din sa harap ng aking lamesa. Maya-maya lang ay tumayo na din ito.
“Althaia!” Ganting sigaw din ni Avarice at sinalubong pa ang aking kasintahan. Pareho kaming napakibitbalikat ni Marko sa tagpong nasasaksihan namin ngayon. Hindi namin tiyak kung ano ang nangyayari.
Hindi pa nagkasya ang dalawa sa masaya nilang batian dahil nagyakap pa ang mga ito dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Marko. Malamang ay hindi na nito mapigilan ang sarili kaya tinanong na ang dalawang babae kung ano ang nangyayari.
“Ahm anong mayroon sa inyong dalawa?” Napapakamot pa sa ulo na tanong ni Marko dahilan para sabay s’yang tignan ng dalawang babae.
“Oo nga pala pasensya na hindi ko pa pala s’ya naipapakilala sa inyo.” Nakangiting wika ni Althaia dahilan para lalo akong maguluhan. Hindi ko alam pero tila napakalapit nila sa isa’t-isa. Hindi ko alam na kilala na ni Althaia ang babaeng hinahanap namin. Pero pakiramdam ko ay may ibang bagay pa ako na hindi nalalaman.
“Marko at Deimos si Avarice nga pala ang nawawala kong kapatid.” Hindi ako sigurado kung tama ang aking narinig. Nagkatinginan pa kami ni Marko at parehong hindi masundan ang nangyayari.
“Hindi ko alam na ito pala ang tinutukoy mo kung saan ka nagtatrabaho.” Baling ni Avarice kay Althaia.
“Oo ito nga pero paano ka nga pala nakarating dito iniisip ko pa naman na baka mahirapan ka dahil hindi mo alam ang lugar na ito.” Bakas sa mukha ni Althaia ang pag-aalala. Hindi ko parin lubos maisip na magkapatid ang dalawang babae.
Kung kanina ay iilan lang ang tanong na nasa aking isip pakiramdam ko ay dumoble na iyon ngayon. Kung si Avarice ang may gawa ng pagsabog ibig sabihin lang nun ay hindi s’ya taga dito sa mundo ng mga tao. Kung kapatid n’ya si Althaia posibleng hindi mortal na tao ang aking kasintahan.
Gawa ng pagkalito ay napailing na lamang ako sa nangyayari. Isa pa sa aking iniisip ay kung ano ang magiging reaksyon ni Avarice kapag nalaman nito na kasintahan ko ang kanyang kapatid. Malakas ang aking pakiramdam na may ibig sabihin ang pagtingin n’ya sa akin.
“Hindi ko akalain na makikita ko si Deimos kung saan ako kasalukuyan tumutuloy ngayon. Isinama n’ya ako dito sa inyong opisina kaya nakarating ako dito.” Bakas sa mukha ni Avarice ang kakaibang saya. Kitang-kita ko iyon dahil nakatingin na naman s’ya sa akin ngayon.
Hindi ko kayang tagalan ang tingin na iyon kaya naman tumayo na ako sa aking kinauupuan upang lapitan si Althaia. Hinawakan ko agad ang kanyang kamay dahilan para magbago ang reaksyon ni Avarice.
“Bakit nga pala tinanghali ang pasok mo ngayon?” Tinitigan ko si Althaia. Napansin ko na kahit magkapatid sila ay literal na magkaiba ang kanilang hitsura. Hindi ko pa nga pala tiyak kung anong nangyari at paano sila nagkakilala. Parang kailan lang ay halos lumuhod si Althaia sa paghiling na sana ay makilala n’ya ang isa sa kanyang pamilya.
Nakikita at nararamdaman ko ang ibang saya ng kasintahan. Kahit sino naman ay magiging ganito ang pakiramdam lalo at nakilala mo na ang taong isa sa matagal mong hinahanap. Gayunpaman may isang bahagi ng aking utak ang pilit na hindi tinatanggap kung anong nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit koi to nararamdaman. Ipinagwalang bahala ko na lamang iyon dahil mas mahalaga sa akin ang kasiyahan ni Althaia.
“Tinanghali ako ng gising dahil napagod ako sa pamamasyal namin tatlo kahapon.” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Althaia. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang sinabi nito na tatlo silang namasyal kahapon. Ibig sabihin ay kahapon n’ya nakilala si Avarice.
Naalala ko na bahagyang pagod ang hitsura ng babae kagabi ng makita ko . Siguro nga ay magkakasama sila kahapon. Ang tanong ay paano sila nagkakilala.
“Nabangga ni Avarice si Vera kahapon tapos narinig n’ya ang aking pangalan at doon namin nalaman na hinahanap n’ya pala ako.” Tila narinig ni Althaia ang tanong ko sa aking sarili.
“Hindi pa din ako makapaniwala na nahanap agad kita.” Masayang sambit din ng kanyang kapatid. May isang bagay pa din ako na nais malaman pero hindi ko nais pangunahan si Althaia dahil kusa naman s’yang nagkukuwento sa akin. Siguro ay sasabihin n’ya iyon sa akin mamaya kapag wala na si Avarice dito sa opisina.
“Oo nga pala Avarice nahuhulaan ko na kaya ka nandito ay dahil hinahanap mo si Althaia.” Pagbasag ko sa usapan ng dalawa.
“Oo iyon nga.” Pagsang-ayon nito sa aking sinabi.
“Kung ganun ay tapos na ang pag-iimbestiga ko sa’yo.” Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Ngiting hindi magiging sensyales ng pag-asa sa kung anong kanyang nararamdaman para sa akin.
Ang totoo ay sinabi ko lamang iyon para sa aking kasintahan. May ibang pakiramdam talaga ako sa nangyayari kaya hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung ano itong kakaibang nararamdaman ko sa sarili.
“Maraming salamat Deimos.” Niyakap pa ako ni Althaia pagkasabi nun. Gumanti ako ng yakap dahil miss ko s’ya. Hindi ko na talaga kaya ang mahiwalay sa babae. Napansin ko naman si Avarice at hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagsimangot nito.
“Hindi ka magtatagumpay sa iyong nais Avarice.” Hindi ko tiyak kung ano ang dahilan bakit ko ito sinabi. Malaking palaisipan sa akin kung bakit ngayon lamang nila hinanap si Althaia. Isa pa ay malaki ang paniniwala ko na hindi taga dito sa mundo ng mga tao ang kapatid ng kasintahan. May malaking tanong sa aking sarili tungkol sa buhay ni Althaia.
“Oo nga pala Althaia habang nandito ako ay tutulungan muna kita sa paggamit ng iyong kakayahan.” Pareho kaming napalingon sa babae. Kung ganun ay may taglay na kapangyarihan din ang babaeng ito.
“P-parehas ba tayo ng kakayahan?” Nag-aalangan pa na tanong ni Althaia sa kanyang kapatid. Nginitian s’ya nito at bahagyang tumango bilang sagot sa kanyang tanong. Ibinuka pa nito ang kanyang palad at naglabasan doon ang nakakasilaw na liwanag na walang pinagkaiba sa kakayahan ng aking kasintahan.
“Tila matututunan mo ng gamitin ang iyong kakayahan.” Masayang wika ko sa kanya at hindi nito magawang ikubli ang sayang nararamdaman.
“Oo nga.” Tila mangiyak-ngiyak pa nitong sagot sa akin.