UNANG HAKBANG

2053 Words
Maaga pa lang ay gising na ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging bata at naging sabik sa isipin na makakasama ko ang aking kapatid upang makalaro. Gayunpaman ang kaibahan lamang nito ngayon ay hindi kami maglalaro ni Avarice dahil magsasanay kaming dalawa.  Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay may ginawa akong kabutihan dahilan upang gantimpalaan ako ng ganito ngayon. Hindi ko akalain na mangyayari agad ang bagay na matagal kong hiniling.  Nagmamadali akong kumilos at nag-ayos ng aking sarili upang maaga akong makarating sa opisina. Tiyak na maaga din si Avarice na magtutungo doon. Sa panahon ngayon ay wala na akong ibang nais hilingin kundi ang matutunan na gamitin ng ayos ang aking kakayahan.  Naglalaro sa aking balintataw ang maaaring mangyari mamaya. Tiyak na kailangan kong pagbutihin ang kondisyon ng aking katawan upang magawa ko ng ayos ang mga nais ipagawa sa akin ni Avarice mamaya. Muli akong kinilig nang maalala na muli kaming magkiita ng akin kapatid.  Hindi mawala ang ngiti sa aking labi nang makasakay ako sa karwahe na madadala sa akin patungong opisina. Doon ako tuturuan ni Avarice upang hindi na ako lumayo sa opisina kung sakaling kailangan ako ng aking kasama. Sinabihan naman ako ni Deimos na hindi ko kailangan isipin ang bagay na iyon per hindi ko kayang tanggapin sa sarili dahil iyon ang aking trabaho. Nagmadali akong pumasok sa aming opisina dahil tiyak ko na nandoon na ang aking kapatid. Bahagya akong natigilan ng maabutan si Deimos at Avarice na masinsinang nag-uusap. Kung hindi pa ako tumikhim ay tila hindi nila mapapansin ang aking pagdating. “Nandyan ka na pala mahal kong kapatid.” Hindi ko alam pero tila iba ang aking pakiramdam sa kanyang sinabi.  “Ahh oo, anong pinag-uusapan n’yo?” Hindi ako pakialamera pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na alamin kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Nagkibit-balikat lamang siya bilang sagot sa aking tanong. Tumayo naman si Deimos sa kanyang kinauupuan at sinenyasan ako na magtungo kami sa labas.  Nginita ko si Avarice at sumunod agad kay Deimos. Batid ko sa kanyang hitsura a tila hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong meron at bakit ganun ang kanyang kilos ngayon. “Ayos ka lang ba?” Kinapa ko pa ang kanyang noo upang alamin kung masama ang pakiramdam ng kasintahan.  “Maayos lang ako, ikaw ayos ka lang ba?” Hinawakan niya ang aking kamay nang sabihin iyon.  “O-oo, bakit naman hindi.” Hindi ako naging totoo sa aking sinabi.  “Mahal, gusto ko sanang matutunan mo agad ang paggamit ng iyong kapangyarihan sa lalong madaling panahon.”  Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi. Bahagyang kumunot ang aking noo sa narinig. Anong dahilan ni Deimos bakit parang hindi maganda ang kanyang pagkakasabi. “Gusto ko lang na makasama kita agad sa pakikipaglaban, hindi na kasi ako sanay na mahiwalay sayo.”  Napansin siguro niya ang aking naging reaksyon kaya muli siyang nagsalita. Tumango na lamang ako bilang sagot at nginitian ang kasintahan. “Halika na baka hinihintay na ako ni Avarice.” Hinawakan ko na ang kanyang kamay at hinila papasok muli sa opisina. Napansin ko ang tila pag-iwas ng tingin ni Deimos sa aking kapatid bago kami lumabas patungo sa training ground. Binalewala ko na lamang ang bagay na iyon siguro ay pagod lamang ang lalaki kaya ganun ang kanyang kilos ngayong araw. Wala pa din kasi si Marko kaya wala siyang makakausap.  “Handa ka na ba?” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Avarice kaya nahawa na din ako sa kanyang enerhiya.  “Anong una kong dapat gawin?” Wala talaga akong ideya kung ano ang dapat kung gawin dahil hindi ko talaga alam kung paano gamitin ang aking kakayahan.  “Relaks ka lang.” Tila napansin ni Avarce nag pagiging kabado ko sa aming gagawin ngayon. Hindi din kasi ako sanay na may nagtuturo sa akin ng dapat kong gawin. Naalala ko tuloy nung panahon na si Deimos ang nagsasanay sa akin.  “Pasensya na hindi ko kasi alam kung anong dapat kong gawin.” Pag-amin ko sa kapatid dahilan para laptan ako nito at hawakan ang aking dalawang kamay.  “Alam ko kaya nga nandito ako para tulungan kita.” Pinisil pa nito ang aking mga kamay. Tila nakatulong naman sa akin ang kanyang ginawa kaya bahagyang kumalma ang aking pakiramdam.  “Salamat.” Nginitian ko siya at gumanti naman siya saka nito binitawan ang aking kamay.  “Walang anuman kapatid.” Parang ang sarap sa pandnig ng kanyang sinabi. Sa wakas ay naranasan ko na din ang may tumawag sa akin ng kapatid. Hindi naman kasi nagkaanak pa ang mga kinilala kong magulang.  “Sa ngayon ay kailangan mo muna huminga ng malalim at panatilihing kalmado ang iyong pakiramdam.” Tiyak na may kinalaman ang bagay na iyon upang tagumpay kung magamit ng ayos ang aking kakayahan. “Kailangan natin iyon upang maging malaya ang mga enerhiya sa iyong katawan na makalabas at maging pundasyon ng iyong kakayahan.” Pagpapatuloy nito na tila sagot sa aking naisip kanina. “Naiintindihan ko.” Iyon na lamang ang aking nasabi dahil wala din naman akong ibang sasabihin pa.  “Sige gawin mo muna ang bagay na iyon.” Ikinumpas pa nito ang kanyang kamay na tila sinasabing umupo muna ako sa training ground. Hindi ko akalain na para akong magninilay habang nakaupo.  “Kailangan ba talaga na ganito?” Ang tinutukoy ko ay ang cross legs na pagkakasalmpak sa sahig tapos magkadaop ang dalawang palad na tila nananalangin. “Hindi ba at kailangan mong maging kalmado bago tayo magsimula sa totoong pagsasanay.”  “Pero kalmado na ako.”  “Alam ko pero kailangan ko na ang iyong isip at katawan ang maging kalmado.“ Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi at sinunod ang kanyang pinapagawa sa akin.  “Pumikit ka at makipag-isa sa iyong kakayahan.” Naalala ko ang ginawa ko nung nakaraan kaya saglit na lumabas ang aking kakayahan. Ngayon ko naunawaan kung ano ang nais ni Avarice na gawin ko.  Hindi na ako nagsalita at agad pumikit upang gawin ang unang hakbang sa paggamit ng aking kakayahan. Inalis ko sa aking utak ang mga walang kwentang bagay na hindi ko dapat isipin. Maging ang mga alalahanin ko sa aking pagsasanay dahil tiyak na nakakasagabal lamang iyon sa aking ginagawa ngayon.  “Mahal, gusto ko sanang matutunan mo agad ang paggamit ng iyong kapangyarihan sa lalong madaling panahon.” Muli kong naalala ang sinabi ni Deimos kanina. Hindi ko tiyak kung ano ang posibleng totoong dahilan kung bakit niya iyon sinabi pero nasisiguro ko na malaki ang maitutulong sa amin kung matuto ako agad.   Tuluyan kong inalis sa utak ang lahat ng aking mga iniisip. Minabuti ko na maging blanko iyon na tila sinara ko sa lahat ng bagay upang wala akong ibang isipin kundi ang pagtuunan ng pansin ang aking pagsasanay.  Pakiramdam ko ay tulog ako pero gising naman ang aking diwa. Walang ibang laman ang aking utak kundi ang kasalukuyan kong kalagayan ngayon. Malinaw kong naririnig ang mga ingay sa paligid pero tila musika iyon sa aking ginagawa ngayon. Sigurado akong nasa kalaliman na ang aking pagninilay ngayon.  Naalala ko ang nangyari nung nakaraan na sinubukan kong palabasin ang aking kakayahan. Ang ingay na naging musika na aking naririnig ay nagsilbing pangising sa natutulog kong mga ugat kung saan nandoon ang mga enerhiya na aking kailangan.  Tulad noon ay muli kong naramdaman ang tila pumuputok kung mga ugat. Mga nagwawalang enerhiya dahil nagising sa malakas na tunog ng musika. Ang mabilis at puno ng galit nilang pagkilos at pagdaloy sa aking ugat. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang tila pagtitipon nila sa aking utak. Pakiramdam ko ay nahihilo ako sa tila pag-ikot nila sa bawat sulok ng aking utak. Ang mga enerhiya pa din ang aking tinutukoy na hindi ko alam kung paano ko nararamdaman ang kanilang pagkilos sa aking katawan. Gayunpaman ay ipinagwalang bahala ko ang tanong na iyon at patuloy na pinakiramdaman ang kakaibang nangyayari sa aking katawan.  Maya-maya lang ay tila sasabog na ang aking utak dahil sa enerhiya na nais kumawala. Tila nagdkit na ang aking mga talukap dahil sa marahas kong pagpikit. Halos hindi na din maghiwalay ang aking mga palad dahil sa sobrang pagkakasalikop nito.  “Avarice!” Malakas na sigaw ko upang kunin ang pansin ng kapatid. Hindi ko alam kung tama ang aking ginagawa.  “Sige lang magpatuloy ka sa iyong ginagawa.” Sagot nito na tila batid kung ano ang aking nararamdaman.  “Sigurado ka ba?” Nagsisiguradong tanong ko kay Avarice. Ang totoo ay hindi ko na alam kung anong nangyayari. Ang tanging sigurado ko ay konting oras na lang at kakawala na ang aking enerhiya. “Oo sigurado ako, damhin mo sila at hayaan sa kanilang nais.” Parang tao tuloy kung pag-usapan namin ang bagay na iyon.  “Avarice!” Muli ay malakas kong sigaw sa kanya.  “Althaia, oras na!” Ganting sigaw niya sa akin na hindi ko naintindihan kung ano ang kanyang tinutukoy.   “Althaia, ibuka mo ang iyong mga palad!” Mulisiyang sumigaw dahilan para ibuka ko ang aking mga palad. Napamulat na din ako at saglit na naninkit ang mga mata ng makita ang tila nabiglang reaksyon ni Avarice.  “Avarice?” Tahimik lamang siya at tila natigilan sa kanyang kinatatayuan.  Sinundan ko ng tingin ang kanyang mata kung saan nakatingin at ganun na lang din ang panlalaki ng aking mga mata ng makita kung ano iyon.  “Athaia!” Napalingon ako ng marinig ang boses ni Deimos na lumabas mula sa opisina upang tignan kung anong nangyayari sa amin ni Avarice. Kasunod niya si Marko na natigilan din sa kanyang nakikita. “Deimos.” Mahinang tawag ko sa kanyang pangalan. Nag-init ang aking mukha at tila nais pumatak ng aking luha.  “Anong nangyayari?” Makikita pa din sa mukha ni Marko na hindi siya makapaniwala sa nakikita.  Maingat at dahan-dahan na lumapit kay Avarice ang dalawang lalaki upang makita nila ng malapitan ang kasalukuyang nangyayari. Natauhan na din ang aking kapatid dahil nakatikom na ang bibig nito ngayon at hindi na mapapasukan ng insekto.  “Nagawa na ni Althaia ang unang hakbang para sa aming pagsasanay.” Walang emosyon na sagot ni Avarice sa tanong ni Marko. “Bakit parang hindi ka masaya?” balik tanong nito dahilan para lingunin siya ni Avarice.  “Hindi lang ako makapaniwala na ganyan kalakas si Althaia.” Nagkibit-balikat pa siya pagkasabi nito. Tumango na lamang si Marko dahil napansin nito ang tila mataray na boses ng aking kapatid.  Inalis ko na din ang tingi sa kanila at ibinalik sa aking palad na patuloy pa din sa pagpapakawala ng aking kapangyarihan. Hindi na nakakasilaw ang liwanag nito at sa halip ay napakasarap na sa paningin. Maliwanag pa din iyon pero sapat lang uang hindi sumakit ang mata ng nakakakita. Parang may kung anong mahika ang aking kakayahan na nagbibigay ng saya at ginhawa sa mga nakakakita.  Hindi nawala sa aking isipan ang sinabi ni Avarice. Kung ganun ay hindi siguro kami pareho ng lakas na taglay. Hindi ko batid ang dahilan pero hindi ko nais na maging angat sa aking kapatid dahil sa ngayon ay siya lang ang makakatulong sa akin. Itinikom ko na ang aking palad kaya nilapitan ako ni Deimos at mahigpit na niyakap. “Masaya ako para sa’yo mahal ko.” Bulong niya sa akin at ginulo pa ang aking buhok. Humiwalay ako sa kanya at masayang tinignan ang kasintahan.  “Salamat Deimos.” Pilit kong inabot ang tuktok ng kanyang ulo upang guluhin din ang kanyang buhok. Mas matangkad sa akin si Deimos kaya kailangan ko pa tumingkayad minsan upang abutin ang kanyang tuktok. Natawa na lamang ang lalaki dahil sa aking ginawa at ganun din ako.  “Magpahinga muna kayo at sabayan n’yo kami ni Marko upang kumain.” Anyaya ni Deimos at hinawakan ang aking kamay.  “Pwede ba?” Pagpapaalam ko kay Avarice. Tumango lamang siya bilang sagot kaya hinila na ni Deimos ang aking kamay upang makabalik kami sa loob. Sumunod na din sa amin si Marko at panghuli ang aking kapatid. Hindi ko tiyak pero tila may kakaibang reaksyon akong nakita kay Avarice. Ipinilig ko ang aking ulo upang burahin sa isip kung ano ang napansin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD