“Althaia!” halos magkandarapa si Vera upang makalapit sa akin. Napamulat tuloy ako ng wala sa oras at tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa malakas niyang boses. “Ayos ka na ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot saka siya nginitian. “Maiwan ko muna kayong dalawa d’yan,” singit naman ni Deimos saka tuluyan kaming iniwan. “Umiyak ka noh?” kantyaw ko kay Vera. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin upang hindi ipakita ang mata niya na bahagya pang namamaga dahil sa pag-iyak. “Hindi kaya!” hindi niya magawang tumingin sa akin ng diretso. Kilala ko si Vera at alam ko na puro iyak ang ginawa niya dahil sa nangyari. Hinuli ko ang kanyang tingin upang umamin sa akin. “Oo na, syempre naman umiyak ako dahil sa sobrang pag-aalala sayo,” pag-amin niy

