PAGHAHANAP

2278 Words
Kanina pa ako nakatingin sa kawalan dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung sino ang babaeng nakita ni Deimos kung saan nangyari ang pagsabog. Malaking tanong para sa amin kung bakit s’ya nandoon at kung ano ang ginagawa nito sa lugar. “Hoy! Anong iniisip mo at parang malulunod ka d’yan sa iyong inuupuan?” Nanlalaki ang matang tanong sa akin ni Marko. Itinuro pa nito ang nakapangalumbaba kong hitsura na agad ko din inalis nang mapansin nito. “Wala ka na dun!” Mataray na sagot ko sa kanya dahilan para irapan ako nito kahit kalalaki nitong tao. Simula nang maging kami ni Deimos ay naging ganto na din ako kay Marko. Ito ang pagpapakita ko sa kanya ng aking apeksyon bilang kaibigan. Naging magkasundo na din kami at maituturing ko na s’ya bilang isa sa aking kaibigan. Mukha lang kaming madalas na hindi magkasundo dahil sa aming pag-aasaran pero kapag kailangan naming ang tulong ng isa’t-isa ay handa kaming gawin iyon. “Teka nasaan nga pala si Deimos?” Tanong na naman nito sa akin kaya nakatanggap s’ya sa akin ng masamang tingin. Nagkibit-balikat lamang ito bilang sagot sa muli kong pagtataray. “Hindi ko din alam.” Seryosong sagot ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung saan naroon si Deimos ngayon dahil ang paalam nito sa akin ay may pupuntahan lang s’ya saglit. Hindi naman nito sinabi kung saan kaya wala akong maisagot kay Marko. Sa tingin ko ay nag-iisip din si Deimos tungkol sa babaeng nakita nito. Malamang nga ay hinahanap nito ang babae kaya wala s’ya ngayon dito sa opisina. Hindi namin sigurado kung ano ang rason ng babaeng yun dahil ngayon lamang ito nangyari. Ito ang unang beses na may nangyaring pagsabog sa sentro ng kaharian ngunit walang natagpuan na halimaw at sa halip ay isang misteryosong babae ang nakita ni Deimos. Nais lamang ni Deimos na maging ligtas ang buong kaharian kaya marahil ay hinahanap n’ya ito. Hindi ako nagsasanay ngayon dahil pinangatawanan ko na talaga ang aking sinabi nung nakaraang araw na hindi ko pipilitin ang aking sarili. Hahayaan ko na lamang na kusang gumana ang aking kakayahan dahil napapagod na din ako sa araw-araw kong pagsubok na gawin iyon. Hindi lamang ako ang sumuko dahil maging ang aking mga kaibigan ay napagod na din. Si Deimos na lamang ang hindi pa nagpapaawat pero dahil nagdesisyon na ako kaya wala na din s’yang nagawa sa aking gusto.  Gayunpaman ay hindi mawala sa aking isipan na kait papaano ay kailangan ko pa din subukan muli kung paano magagamit ng ayos ang aking kakayahan. Napailing pa ako ng maisip iyon dahil alam ko naman kung anong mangyayari. Tiyak na sasakit lamang ulit ang aking ulo dahil sa pagpilit na magawa ang bagay na yun. “Ohh saan ka galing?” Salubong na tanong ko kay Deimos dahil matapos ang ilang oras nitong pagkawala sa opisina ay nakabalik na s’ya ngayon.   “Hinahanap ko yung babae na aking nakita ngunit bigla din nawala kahapon.” Sagot nito sa akin at agad na umupo sa kanyang puwesto. Tama nga ang aking naisip na ginawa n’ya kung bakit s’ya umalis kanina. Makikita sa kanyang mukha na halatang napagod ito sa paghahanap. “Natagpuan mo ba?” Naunahan ako ni Marko na tanungin iyon kay Deimos. Sa tingin ko ay hindi nagtagumpay ang aking kasintahan dahil bahagyang nakalukot ang mukha nito. “Ang hirap maghanap kapag hindi mo alam ang pangalan ng taong hinahanap mo.” Tila wala sa hulog na sagot nito sa kaibigan. Mahirap naman talaga maghanap ng taong hindi mo kilala at hindi mo alam ang ilang impormasyon tungkol sa kanya. “Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang paghahanap sa kanya?” Naniniguradong tanong ko sa kanya. Base sa pagkakakilala ko kay Deimos ay natitiyak ko na kung ano ang isasagot nito sa aking tanong. “Oo dahil hindi ko alam kung bakit s’ya nandoon kahapon at kung bakit s’ya nagtago sa akin.” Walang pag-aalinlangan na sagot nito sa akin. Sabi ko na nga ba at hindi s’ya papayag na mapalampas ang pangyayari. Malamang ay hindi titigil si Deimos hangga’t hindi nito nakikita ulit ang babae. Sana ay nakita ko din ang hitsura nung babae nang sa ganun ay matulungan ko si Deimos sa paghahanap. Hindi ko nais na maging ganito ang kanyang hitsura dahil pumapangit s’ya sa aking paningin. Ito din ang isa sa aking dahilan kung bakit hindi ko nais na magsanay ngayon dahil ayaw kong dagdagan ang gumugulo sa isip ng kasintahan. Tila gusto ko na lamang ulit gumala sasentro kasama si Vera upang mabaling sa iba ang aking atensyon at maiwasan na din ang pag-iisip ng kung ano. Tamang-tama dahil wala akong paso bukas siguro ay yayayain ko na lamang si Vera. Matagal ko na din hindi nakakasama sa gala ang mahal kong kaibigan. Tiyak na matutuwa iyon mamaya kapag niyaya ko s’ya. Sana lamang ay hindi s’ya abala sa kanyang trabaho upang matuloy kami. “Magpahinga ka kaya muna dail mukhang napagod ka sa ginawa mong paghahanap.”Nag-aalalang suhestiyon k okay Deimos dahil nakatitig lamang ito sa mga papeles na nasa kanyang lamesa at tila walang balak na galawin ang mga iyon. “Sige maiwan ko muna kayo dito ni Marko dahil iiglip lamang ako saglit.” Nakahawak pa ito sa kanyang ulo nang sabihin iyon. Hindi na nito hinintay pa ang aking sagot dahil tumayo na din s’ya agad upang magtungo sa kanyang silid dito sa opisina. Hinayaan ko na lamang s’ya dahil mukhang sobra ang nagging pagod nito sa paghahanap. “Parang gusto ko din matulog.” Pagpaparinig naman ni Marko na agad kong tinignan ng masama. Halos hindi na nga s’ya makita dahil sa taas ng mga papeles na nasa kanyang lamesa. “Oh bakit ganyan ka naman makatingin sa akin?” Tila hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. “Puro ka kasi babae kaya hindi mo natatapos ang trabaho mo tapos ngayon gusto mo din matulog.” Para akong nanay nito na nagagalit dahil sa mga tambak nitong trabaho na hindi pa din tapos hanggang ngayon. “Syempre kailangan ko din magpahinga.” Pagdadahilan nito sa akin at nag-pout pa ng kanyang labi upang maawa ako sa kanya. Hindi ba nito alam na hindi iyon eepekto sa akin dahil madalas ay ako ang tumatapos sa iba nitong trabaho. “Tumigil ka d’yan sa iniisip mo dahil hindi ka pwede magpahinga!” Bulyaw ko kahit nasa katabing puwesto ko lamang s’ya. “Bakit naman?” Nakataas na naman ang kilay nito at tila nais makipagtarayan sa akin. Hindi ako mataray pero dahil sa mga kalokohan nito minsan kaya nagiging maldita ako sa kanya. “Napagod ka dahil sa pambababae mo kaya kahit anong gawin mo ay hindi kita papayagan na matulog din!” Buo ang loob na sagot ko sa kanya. “Grabe ka naman sa akin.” Hindi ko alam kung kailan naging aktor ang kaibigan ni Deimos dahil inaartehan na ako nito ngayon. Kung titignan ang lalaki ay aakalain mong kumain ito ng lemon dahil sa pagkusmot ng mukha nito. Sabi ko nga ay hindi iyon uubra sa akin kaya minabuti kong manahimik na lang at huwag na s’yang pansinin dahilan para lalo itong mainis sa akin.  Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko man lang namalayan na malapit na akong umuwi dahil sa sobrang abala ko sa aking ginagawa. Kahit anong pagpigil ang ginawa ko kanina kay Marko ay tuluyan pa din s’yang nakatulog sa kanyang puwesto. “Kahit kalian talaga ang lalaking ito.” Napailing na lamang ako ng sabihin iyon dahil wala na akong magagawa kapag ganitong nananaginip na s’ya dahil sa sobrang sarap ng pagkakatulog. Mabuti na lamang at natapos ko na ang ilang papeles na kailangan ko ngayong araw upang dalhin kay King Desyn. Kasalukuyan kong ginagawa ang ilan sa mga papeles ni Marko nang bumalik si Deimos sa kanyang puwesto mula sa pagkakatulog nito sa kanyang silid dito sa opisina. Masasabi kong maaliwalas na ang mukha nito ngayon indikasyon na nakapagpahinga ng ayos ang lalaki. Nginitian pa ako nito nang mapansin n’ya na pinagmamasdan ko s’ya. “Pasensya ka na Althaia at kinailangan kong lumabas kanina at iwan ka dito.” Biglang seryosong wika nito sa akin at nilapitan pa ako sa aking puwesto. “Ano k aba ayos lang ako dahil nandito naman si Marko.”Pinisil ko pa ang kamay n’ya na kasalukuyan nakahawak sa akin. “Hay naku inaasar lang naman ako n’yan dito.” Nagising na din pala si Marko kaya nakikisali na s’ya ngayon sa usapan namin. Bahagyang tumawa na lang si Deimos dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam naman nito na madalas kong inaaway si Marko kaya balewala na sa kanya ang sumbong ng kaibigan. “Hindi ka pa ba uuwi?” Muling baling sa akin ni Deimos dahilan para mapatingin ako sa orasan na nasa loob ng opisina. Sinilip ko din ang maliit na bintana sa silid at doon ko napansin ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. “Uuwi na ako tatapusin ko na lang itong hawak ko ngayon.”Itinaas ko pa ang papeles upang ipakita kay Marko na kanya iyon at hindi sa akin. “Maraming salamat.” Yumukod pa s’ya ng ulo nang mapansin nito na para sa kanya ang papeles na ginagawa ko. Inirapan ko na lang ulit s’ya bilang sagot at ipinagpatuloy na ang naputol na ginagawa. “Sige ihahatid kita sabihan mo ako kapag tapos ka na.” Pagkasabi nun ay muling bumalik si Deimos sa kanyang puwesto. Ito ang gusto ko sa lalaki dahil gumagawa talaga s’ya ng paraan para makasama ako lalo kapag may ganitong pangyayari na hindi kami magkasama sa buong maghapon. Siguradong sa palasyo na naman s’ya maghahapunan upang sabayan kami. Dahil sa isipin ay naalala ko ang kaibigan dahil hanggang ngayon ay nakikipagtigasan pa din ito kay Deimos at pilit isinisiksik sa sarili na baka agawin ako sa kanya ng lalaki. Ilang beses ko na iton pinatunayan sa kanya pero likas na matigas ang ulo ng aking kaibigan. Kasalukuyan na akong napapakamot ng aking ulo dahil nagbabangayan na naman ang dalawa dahilan para matawa na lamang si King Daeyn na kasama din naming na kumakain ngayon. Mabuti na lamang at hindi mabait ang hari kaya ayos lamang sa kanya na ganito ang sitwasyon namin sa tuwing magkakasama kaming kumakain. “Bakit ba kasi kasama mo na naman ang lalaking yan dito?” Nakasimangot na tanong sa akin ni Vera kahit alam naman nito kung ano ang isasago ko sa kanya. Nagiging ganito ang aking kaibigan dahil madalas ay inaasar pa s’ya lalo ni Deimos na hindi ko din mapigilan dahil natutuwa ako sa kanilang dalawa kapag ganito. “Hayaan mo na dahil hindi ko s’ya makakasama bukas.” Sagot ko sa kanyang tanong dahilan para magbago bigla ang reaksyon nito. “Bakit may lakad ka bukas?” Hindi mapigilang tanong din sa akin ni Deimos. Hindi ko pa nga pala nabanggit sa kanya ang aking plano na magpapasama kay Vera upang gumala sa sentro ng kaharian. Mas ayos na din iyon dahil miss ko na ang aking kaibigan. Isa pa ay upang hindi ako magsawa kay Deimos dahil madalas na kaming magkasama. “Oo nga Althaia sa pagkakaalam ko ay wala ka pasok bukas kaya may pupuntahan ka ba?” Hindi makapaghintay ng aking sagot kaya muling nagtanong si Vera. “Oo may pupuntahan ako bukas na kasama ka at hindi si Deimos.” Abot hanggang tainga ang ngiti ko sa kaibigan. Tuluyan naman na umaliwalas ang mukha nito hudyat na nagustuhan ang kanyang narinig. Bahagyang napasimangot naman si Deimos kaya kinindatan ko na lamang ang lalaki na tila sinasabing si Vera naman muna bukas ang aking makakasama. Tila labag pa sa loob nito ang ginawang pagtango sa akin bilang pagsang-ayon sa aking plano. Hindi nagtagal ay nagpaalam na din si Deimos sa amin upang umuwi na sa kanyang tinutuluyan. Matagal na panahon ko na din kasama si Deimos pero hindi ko pa pala alam kung saan ang kanyang tirahan. Siuro ay yun ang kailangan kong alamin sa sunod na lumabas kaming magkasama. Nauna nang umakyat si Vera sa kanyang silid dahil sa sobrang sabik sa lakad naming bukas. Hinatid ko pa si Deimos sa labas ng palasyo kaya hindi ako sumabay kay Vera sa pag-akyat. Bahagya pa din na nakasimangot ang lalaki kaya niyakap ko agad s’ya nang makalabas kami. “Huwag ka na malungkot alam mo naman na miss ko na si Vera.” Gumanti naman s’ya ng yaap sa akin. “Oo naman alam ko mag-iingat kayo bukas.” Nakangiti na s’ya ngayon at hinalikan pa ako sa aking noo. “Salamat, ikaw din mag-ingat ka kung may lakad ka bukas.” Sigurado kasi ako na ipagpapatuloy nito bukas ang paghahanap doon sa babae lalo at wala kaming lakad. “Sige, aalis na ako.” Paalam nito sa akin at bumitaw na sa pagkakayakap. Parang ayaw ko pa s’yang bitawan pero kailangan dahil gabi na at kailangan na nitong magpahinga. Kumaway pa ako sa kanya at mariin nitong idinampi ang labi sa akin dahilan para kiligin na naman ako. “Hay naku Deimos talaga.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD