Mabigat ang aking pakiramdam at masakit ang aking ulo. Para akong may sakit na hindi ko.maintindihan. Agad akong napabalikwas ng maalala kung ano ang nangyari kanina dahilan para magulat din si Deimos na kasalukuyang nagbabantay sa akin. "Althaia maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala nitong tanong sa akin at hinawakan pa ako sa noo. Doon ko napagtanto na nilalagnat pala ako kaya mabigat ang aking pakiramdam. "Medyo masakit ang aking ulo at mabigat din ang pakiramdam ko." Nanghihinang sagot ko sa kanya. "Gusto mo ba na ihatid kita sa palasyo para makapagpahinga ka ng ayos?" Inalalayan na ako nito ngayon para makaupo sa higaan. Nandito ako sa silid kung saan natutulog si Deimos dahil nakikita ko ang ilang gamit ng lalaki sa lugar. Pag umuwi ako ng palasyo ay hindi na ako mababant

