DEDAY'S POV Kasabay namin naghapunan sina Cassy at Max. Wala namang problema sa akin sa asawa ko meron. Nakabusangot ito at hindi umiimik. Tanging ako lang ang kinakausap niya. Alam ko na ayaw niyang nandito sa bahay namin ang dati niyang mga babae. Pero hindi ko naman puwedeng palayasin ang dalawa dahil maayos naman na ang pakikitungo nila sa akin. "Kall, aalis kana daw sa university?" Biglang tanong sa kanya ni Max sa asawa ko. Ang asawa ko naman ay hindi ito pinapansin at patuloy lang sa pagkain. Tumingin naman ako kay Max ngumiti lang ito sa akin at suminyas na okay lang. Naging tahimik ang hapagkainan. Kahit si Cassy ay hindi na nagsasalita. Natapos ang hapunan at pumasok muna ang asawa ko sa silid namin. Hanggang sa umalis ang dalawa ay hindi na ito lumabas. Huminga ako ng malal

