DEDAY'S POV Sa mga sumunod na araw ay naging maayos sa amin ng asawa ko ang mga pangyayari. Dahil sa mga nanyari ay dito na lang ako sa bahay. Nag o-online class ako dito sa bahay. Sa umaga ay therapy session ko sa hapon naman ay sa online class ko. Hindi madali pero pinipilit kong lumaban para sa anak at asawa ko. Lumalala na rin ang cravings ko kaya nahihirapan ng asawa ko. Madalas kasi ang weird ng mga ginagawa ko. "Jace ko, hindi kapa ba uuwi?" Kausap ko sa asawa ko sa kabilang linya. "Babe, kakaalis ko lang po d'yan sa bahay." Sagot naman niya sa akin. "Namimiss na kasi kita," nakangusong sabi ko sa kanya. Totoong namimiss ko na siya. "May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akin. Alam ko na alam na niya dahil lagi itong nangyayari. "Gusto ko ng sinigang na matamis," sabi k

