DEDAY'S POV Hindi ko akalain na lumipat na kami dito sa bagong bahay. Tinanghali na ako ng gising at masakit pa ang katawan ko. Ang Jace ko kasi parang walang kapaguran. Hahaha! Natutuwa ako kapag may ko ang tawag ko sa kanya. Ewan ko ba nakakahawa na talaga ang mga ginagawa niya sa akin. Pakiramdam ko tumanda ako bigla. Kahit nga birthday ko ay nakalimutan ko na. Inaantok pa sana ako kaya lang kinukulit niya ako na bumangon na. "Babe, Happy birthday I love you. Gising na may lakad tayo," bulong niya sa akin. "Puwede bang magpahinga na lang ako ngayong araw?" Tanong ko sa kanya kasi inaantok pa talaga ako ngayon. "Babe kasi ano—" "Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "May naghihintay kasi sa atin sa baba. May bisita ka," sagot niya sa akin habang may malawak na ngiti sa labi. Na

