Warning: matured content!! Read at your own riskn! (R18+) KALLIX POV Sa sobrang selos ko ay binalak ko na agad na lumipat sa magiging bahay namin. Hindi ko gusto na nagkikita sila ni Stephen sa building. Umalis ako para ayusin ang lilipatan namin. Kahit na ayaw ko pa sabihin sa kapatid ko ang tungkol sa amin ay wala akong choice. Laking tuwa ko dahil masaya siya para sa amin. "Kuya, hindi mo sinabi na type mo pala si Desra. Kaya siguro dati lagi kang galit kasi gusto mong magpapansin sa kanya," pang-aasar sa akin ng kapatid ko. Tanging ngiti lang nag isinagot ko sa kanya. "Woah! Iba talaga ang inlove. Ngayon ngumingiti kana," pa-cute na sabi niya. "Oo na, kaya tulungan mo na ako para naman matuwa ako sa 'yo," saad ko dito. "Nagbibiro lang ako kuya. Isumbong kita kay Desra pagsinu

