KALLIX POV Nasaktan ako ng hindi siya sumagot kung mahal pa ba niya ako. Alam ko galit lang siya sa akin. Hindi siya tutugon sa halik ko kung hindi niya ako mahal. Hindi ako susuko kaya nauna ako sa kwarto namin. Gusto ko siyang akitin baka sakaling gumana ang charm ko pero lalo lang uminit ang ulo ko ng sabihin niya na mas gwapo sa akin si Rico. "F*ck you Rico!" mura ko sa isipan ko. Alam ko naman na gwapo ako sa pulis na 'yon pero hindi ko maiwasan na magselos. Sa lahat talaga ng puwede niyang banggitin ay pangalan pa ng kaibigan ko. Bumaba ito sa hagdan. Ang ganda niya bagay sa kanya ang suot niyang dress. Hindi ko tuloy maiwasang mag react ang nasa pagitan ng hita ko. "D*mn it!" napamura pa ako. Alam ko na narinig niya akong nagmura. Bakit ba kasi ang ganda mo, sh*t? ani ko sa isip

