DEDAY'S POV Palabas na ako ng subdivision ng harangan ako ng kotse. Nagulat pa ako dahil kotse ito ni manong. Mabilis itong lumabas sa kotse niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko naman mapigilan ang luha ko. Sumubsob ako sa dibdib niya at umiyak ako ng umiyak. Ang buong akala ko talaga ay hahayaan na lang niya ako pero bumalik siya. "I'm sorry babe.. I'm really sorry," bulong nito sa tainga ko. "Huhuhu," tanging sagot ko sa kanya. Humagulgol na ako dahil hindi ko na makayanan ang sakit. Nasaktan talaga ako sa pagbalewala niya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at tumingin sa mga mata ko. Tanging ilaw ng kotse ang nanging ilaw namin. "Mahal na mahal kita babe. Sorry kung nasaktan kita," saad niya sabay halik sa labi ko. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Ramdam ko ang

