DEDAY'S POV AFTER 5 YEARS Nagkaupo ako sa swivel chair ko dito sa opisina. Buong araw akong nag-aayos ng mga files para sa meeting bukas. Araw-araw ito ang trabaho ko. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Jacob. "Mamaya pa po Sir," sagot ko sa kanya. "Umuwi na tayo kanina pa tayo hinahanap ng mga bata," nakangiting sabi niya sa akin. "Sige na nga," nakangiting sagot ko sa kanya. Nagtatrabaho ako sa company bilang secretary ni Jacob. Ang kapatid ng yumao kong asawa. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahon na hirap na hirap ako. Lalo na noong lumalaki na ang tiyan ko pero hindi pa ako nakakalakad. Umuwi siya sa probinsiya para alagaan ako. Siya rin ang naging ama sa mga anak ko. Kasama ko rin siya noong nanganganak ako. Ewan ko ba at hindi pa rin ito nag-aasawa hanggang ngay

