DEDAY'S POV Nagising ako dahil may narinig akong ingay. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko si mommy umiiyak ito. Kaya nagtaka ako kung ano ang nanyayari. "M-Mommy, a-ano po ang nangyari?" nauutal na tanong ko sa kanya. "A-Anak ang ang asawa mo." Umiiyak na sagot niya sa akin. "Ano po ang nanyari sa asawa ko? Bakit hindi niyo sabihin sa akin kung ano nanyari sa kanya! Nasaan ang asawa ko? Nasaan si Jace?!" Sumisigaw na ako. Naguguluhan na ako sa kanila. Parang walang may nais na magsalita sa kanila. "Ano ba?! Magsalita naman kayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanila. Alam kong may mali at ramdam ko 'yon. "W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko," umiiyak na sabi sa akin ni mommy. Parang bomba sa pandinig ko ang narinig ko. Natulala ako hindi ko alam kong totoo ba ang sina

