DEDAY'S POV Nagising ako na nasa ospital na ako at nakahiga. Nakita ko ang asawa ko. Nakaramdam ako ng awa dahil magulo ang buhok niya at gusot ang damit niya. Sinisisi ko ang sarili ko. Alam ko na kasalanan ko ang lahat. Muntikan ng mawala ang baby namin dahil sa mga maling desisyon ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Bigla na lang akong nakakaramdaman ng pagkainis kaya nasisigawan ko siya. Hindi ko sinasadya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lumabas siya at kami na lang ang naiwan ng mommy niya. "Deday, be strong, okay? We're here for you," nakangiting sabi niya sa akin. "Thank you po Se—" "Call me mommy. Nagtatampo ako sa inyo dahil hindi n'yo sinabi sa amin na kasal na kayo. Tanggap naman kita para sa anak ko. Galing rin ako sa hirap kaya alam ko ang pakiramdam. Unan

