KALLIX POV Nagising ako na masakit ang ulo ko. Nalasing ko kagabi at hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Balak kong dumaan muna sa University. Saka na ako pupunta sa ospital. Pero nag-iba ang plano ko dahil nakatanggap ako ng text mula kay Mira. Mira: Kuya, where ako you na ba? Mira: Umiiyak ang asawa mo. Mira: Nakakainis ka! Bakit hindi ka sumasagot. F*ck! Hindi ko naiwasang hindi magmura. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nabasa kaagad ang text ng kapatid ko. "Hello Mira, How is she?" Tanong ko sa kapatid ko. Tinawagan ko na talaga siya. "Tulog na siya, kanina kasi hinahanap ka niya. Pero mukhang tulog ka pa at hindi mo nabasa ang mga text ko ganu'n din ang mga tawag ko," sagot sa akin ng kapatid ko. "I'm on my way now. Thank you b

