KALLIX POV Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor. Mabilis akong lumapit sa kanya. "How's my wife doc and the baby?" Tanong ko sa doktor. "They're fine, malakas ang kapit ng baby. But your wife—” "Anong nanyari sa asawa ko?" Kinakabahang tanong ko. "Napinsala ang bandang likod niya. Mabuti at hindi gano'n kalala ang nangyari," paliwanag niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero nag-aalala pa rin ako dahil sa nangyari sa likod niya. "But she need to rest. Kailangan niyang magpagaling. Hindi niya kakayaning maglakad sa ngayon. Kailangan mo siyang bantayan at alagaan. She need to undergo some therapy para mabilis siyang gumaling. You need to be strong cuz there's a possibility na mag-iba ang behavior niya. Lalo na't buntis siya," paliwanag sa akin ng doktor.

