DEDAY'S POV "Nay Vida kumusta na po kayo!" tawag ko dito habang papasok ako sa kusina. "Deday ikaw na ba 'yan?" Tanong nito sa akin. "Opo, ako po ito ang pinakamagandang manang." Pabirong sabi koo kay Nanay. "Ang ganda-ganda mo na. Bagay sa 'yo ang buhok mo. Higit sa lahat ang blooming mo. Iba yata mag-alaga si senyorito," pabulong lang ang huli niyang sinabi. "Alam niyo rin po?" Tanong ko dito. "Siyempre," proud na sabi nito sa akin. "Sagana po kasi sa dilig iyong mga bulaklak sa amin. Nakakablooming po 'yon," sabi ko dito. "Talaga ba? Siguro ako na magdidilig ng mga halaman sa hardin. Para magmukhang bata pa ako," sabi naman ni nay Vida. Napatampal ako sa noo ko. Akala ko naman naintindihan niya ako. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ano po ang puwede kong maitulong sa inyo?" Ta

