KALLIX POV Nag-panic ako bigla dahil hindi na siya sumasagot sa mga tawag ko. Simula pa ako kanina tumatawag. Parang gusto ko ng itapon ang phone ko. "Mom, hanapin ko lang po si Desra kanina pa siya hindi nagrereply." Paalam ko kay Mommy. "Sige son," sagot naman niya sa akin. Nag-ikot ako sa buong bahay para hanapin siya. Sobrang frustrated na ako. Ang dami ko ng text at tawag sa kanya pero wala pa rin siyang naging tugon. "Nay Veda, nakita niyo po ba si Desra?" Tanong ko kay nanay dahil baka alam niya kung saan ito. "Hindi po Senyorito," sagot nito sa akin. "What happened?" tanong sa akin ni Cassy. "It's none of your business," sagot ko sa kanya at lumabas ako sa kusina. "Bakit mo ba siya hinahanap? Hayaan mo siya dahil malaki na siya." Biglang sabi niya sa akin. Hindi ko ito pi

