Pagapang kong nilapitan si Berto, namimilipit ito sa sakit. "B-Berto..." "Umalis ka na. M-malapit lang ang bahay n-niyo rito. Nararamdaman ko siya sa malapit kaya b-bilisan mo n-na!" Nakaturo ang kamay ng lalaki sa isang direksyon bago ito napabaluktot dahil sa pag-inda nito ng sakit. "A-alis na, N-Nelrose..." Gumapang ako hangga't kaya ko. Hindi ko na nilingon pa si Berto. Hindi ko maintindihan kung bakit maraming Datura Nerium ang nag-iilaw sa lupa nang umalis ako. Ramdam kong nasa paligid lang si Abellius kaya may pagmamadali sa kilos ko kahit pa napapangiwi na'ko sa sakit ng mga sugat ko sa paa. Nakikita ko na ang bahay ilang minuto pa pero nang papasok na'ko, naging isang pader ang pinto. Umikot ako pero—wala akong makita na pintuan. Sa'n ako papasok? Pinaglalaruan ako ng impakton

