"Hoy, makakalabas ka na!" Napaangat ang mukha ko buhat sa pagkakatalungko sa isang gilid ng selda sa sigaw na iyon. Dumating ang mga pulis ng gabing iyon at ang masaklap, binitbit ako ng mga ito sa presinto dahil nakapatay daw ako ng tao. Tinuro lang naman ako ni Lorin na ako ang may kagagawan kung ba't namatay ang pinsan nito. Ang babae ang kumontak sa mga pulis para respondihan ang nangyayari sa loob ng bahay pero nang makarating ang mga ito sa bahay, wala ng buhay si Abellius at ang pinsan nito. Ayaw maniwala ng mga pulis sa'kin nang una sa pagpupumilit kong i-explain ang side ko. Nakikita ng mga ito sa katawang tao si Abellius kaya ako ang naging suspect. Ang lungkot! Ako na nga ang nagligtas sa sangkatauhan pero ako pa ngayon ang nagbabayad ng mga ito. Malaki ang utang na loob ko sa

