Napatakbo sa kumpulan ng mga tao nang makarating kami sa gilid ng ilog. Ngayon ko lamang napansin ang bahay-kubo sa gilid nito. Nakita ko si Jerry na nakaupo sa hagdan. Napayakap ako rito nang makalapit sa kanya. Mabilis na hinanap ng mata ko si Zyair. "He's inside, they will bring him to the hospital." Kung ganun, si Zyair ang nasa peligro. May mga gasa sa katawan ni Jerry pero masaya pa rin akong makita ito na buhay. Napaakyat ako sa bahay-kubo. Hindi ko pa man nakikita ang mahal ko, sunod-sunod na luha na ang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko. Napasinok ako nang sunod-sunod. Tumambad sa'kin ang katawan ni Zyair na nakahiga sa isang papag. May mga benda ito at kita ko ang ilang sugat nito sa buong katawan. "He hasn't woken up yet. I asked for help w-when I woke up yesterday. She help

