"Isa pa! Lakasan mo, Nelrose!" Inis na inis ako sa pinapagawa ni Zyair. Ginawa na'kong wrestler ng lalaki at ngayon naman, boxing naman ang ginagawa namin. Pinapasuntok nito sa'kin ang isang inflatable boxing bag para lumakas daw ang katawan ko. Kanina pa'ko pagod. Nagugutom. Nauuhaw. Nakakapagod! "R-remember what I've told you, protektahan mo ang sarili mo kapag wala ako. Hindi sa lahat ng oras, nandito ako sa tabi mo!" Paulit-ulit na lang? Dati pa itong sinasabi ng binata sa'kin. Para na itong sirang plaka, ang daming bilin lagi. Ang ganito... ang ganiyan. Nakakairita na minsan! "Nakikinig ka ba?" malakas na singhal ni Zyair. "Hindi tayo uuwi ng Pilipinas hangga't 'di tayo matatapos sa training mo! Lakasan mo!" Hubad-baro ang binata at nakapantalon lang ito. Nasa loob kami ng gym

