Ang mga ungol na dating kinatatakutan ko, ramdam na ramdam ko na paparami na ito. Nakakangilo ang mga ingay na nilikha ng mga ito nang sumapit na ang dilim. Akala ko matapang ako pero hindi pa pala. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa ilalim ng mesa kasama si Cyrish. "Ate, m-minsan, kahit nagtatago na kami at may tansay nang pinahid, nakakapasok pa rin s-sila kaya laging nakabantay sila sa taas." Mangiyak-ngiyak si Cyrish nang ibulong ito sa kasama. "Lahat ng kasama ni Brandon sa pinagtataguan nila, nabiktima na rin ng mga halimaw sa labas, buti na lang nakaligtas ang iba." Nanlalamig ang buong katawan ko dahil nang magising ako kanina, ito na ang bukambibig ng lahat at sadyang nakakapanghilakbot na ang mga nangyayari. Mas lalong lumala! Mas lalong lumakas. Napakalakas na ng kampon n

