Panay ang tingin ko sa kanya at talagang kinakabahan ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kaninang madaling araw. Hawak-kamay kami pero mukhang kalmado naman ang lalaki. "Gawin mo na!" mariing utos ni Zyair nang ibigay sa dalaga ang isang bote ng Datura Nerium. "Nasabi ko na sa'yo kung papa'no mo gagawin, 'di ba?" Parang may naghahabulang daga sa dibdib ko nang magtama ang mata namin. Baka naman hindi pa ito naka-get over kagabi? Affected talaga ako dahil wala naman akong nararamdaman kay Brandon. "Zyair, affected ka pa rin ba about do'n kay B-Brandon?" Pinigil ko ang hininga ko nang mangunot ang noo ng lalaki. "No!" Humalakhak na lang si Zyair bago nito giniya sa antigong pabilog na guhit ang dalaga. "Focus on your task today. Dito ka ginapos ng lalaking 'yon, dito mo gawin.

