Episode 33

1826 Words

Nakakatakot naman! Kanina pa'ko umiiyak pero wala akong magawa. Isang sasakyan ang naghatid sa'kin dito para gawin ko muli ang pagpatak ng likido rito. Mag-isa lang ako! May misyon ang mga kalalakihan ngayon pati na si Tiyang pero si Cyrish, hindi ko mapilit ang bruha dahil may gagawin daw ito. Alam kong mas malala pa ang pagkaduwag ni Cyrish kumpara sa'kin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. "Humanda ka, Z-Zyair, pinasolo mo talaga sa'kin ang misyon na'to." Kagabi pa'ko umiiyak nang sabihin sa'kin nito ang gagawin ko ngayon. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakita. Hinga pa nang malalim ang ginawa ko bago ko mahigpit na hinawakan ang bote. Medyo malaki ito kumpara sa naunang bitbit namin ni Zyair. Nang tingnan ko ang oras, alas-otso pa lang ng umaga at nagsisimula na ring

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD