"Halika ka nga rito!" "Aray, Ate, ba't ka ba nanghihila ng buhok?" Nakabusangot na si Cyrish nang humantong ito sa kwarto nila. "Bakit ba? Hindi pa'ko tapos, ito-tour ko pa sana sa baba si Tom." "Tom?" ulit ko kasabay ng pagsalubong ng kilay ko. "Ano'ng meron, ha?" Parang gusto kong kurutin sa singit ang babeng 'to nang manginig ito bigla. Pumipisik-pisik ito bigla kasabay ng pagtirik ng mata nito. "Cyrish!" asar kong tawag sa kanya para matigil na ito sa kaartehan nito. "Ate, I found Tom and he found me!" Napatili nang malakas si Cyrish nang sabihin ito. "Siya na ang hinahanap ko!" "Ano?" halos pasigaw kong tanong sa sobrang gulat ko. "Hindi mo ba alam kung ilang taon na 'yon? Magkalapit na sila ng edad ni Tiyang, bata ka!" "I'm twenty na, Ate," mabilis na saad ni Cyrish bago niyakap

