Napamura ako nang takbuhin ko ang labas ng bahay pero wala rin. Labis ang pag-aalala ko sa nanay ng nobya ko. Sumosobra na ang Abellius na 'yon! Balak na sana naming umalis para makabalik sa lugar pero mabilis ang taong iyon. Naunahan kami! "Tay, kailangan nating hatiin ang grupo sa dalawa. Ako ang maghahanap kay Abellius kasama ka. Sina Brandon at Jerry, sila ang sasama kay Nelrose." Hindi ako mapakali. Kailangan ko nang umalis ngayon din. Nasundan ko ng tingin si Tatay nang tumalikod ito sa'kin. Umiiyak na yumakap sa'kin si Nelrose nang maabutan ako nito. Mabilis ko siyang hinalikan sa noo. "Aalalayan ka nina Brandon at Jerry, kayo muna ang pupunta sa lugar na 'yon. Susundan ko si Abellius." Kahit sinasabi ko ito, hindi ko alam kung sa'n ko hahagilapin ang taong iyon. Naramdaman ko a

