Ang mga ungol, unti-unti ko nang naririnig. Ang dimensyon, bukas na naman. Nagtayuan na ang balahibo ko sa sobrang takot dahil sa kilabot na dala ng mga boses ng mga ito. Panay ang buga ko ng hangin habang may panginginig ang kamay ko nang mabilis kong binaliktad ang bote para lumabas ang likido mula rito. Wrong move! Bakit ko binuhos lahat? Nakalutang lang sa hangin ang likido kaya gusto ko nang mapaiyak. "Tanga ka, Nelrose! Boba!" Kinatok ko nang paulit-ulit ang ulo ko nang tumilapon sa labas ng bilog na antigo ang ipapatak ko sana. May pumipigil na naman. "Kainis ka, Abellius!" Nararamdaman kong nasa paligid lamang ang lalaki at nagingialam na naman ito. "Nelrose!" malakas na sigaw ni Jerry kasabay ng paghagis nito ng isa pang bote sa dalaga. Napailing ang lalaki nang hindi ito masalo

