Kanina pa tumutulo ang luha ko dahil hindi na'ko pinapansin ni Zyair. Kahit sumama ang lalaki sa lugar kung sa'n ko gagawin ang pagpatak, wala lang itong kibo. Ito ang unang beses na nakita kong ganito ang lalaki. Gusto ko itong yakapin, amuin pero ito mismo ang lumalayo sa'kin. Hindi na'ko pinapansin ng mahal ko. "Nakabantay lang kami, iha, kaya gawin mo na!" Nakangiti si Herming nang tanguan nito ang dalaga. "Dapit-hapon na, lalatag na ang dilim mamaya. Bilisan mo, kailangang successful na ngayon." Lumalakas na naman ang hangin at ang ugong nito, parang may binubulong sa'kin. "Nelrose, huwag kang makupad at bilisan mo ang kilos mo!" gigil na sigaw ni Zyair. "Alisto ka para makabalik na kami ng London." Maliit lamang na bote itong hawak ko pero sa narinig ko, bigla ko itong nabitawan

