"Nakakainis naman si Nanay." Habol ng tanaw ni Cyrish si Tom nang maupo ito sa gilid ng ilog para hintayin ang tatlong kalalakihan. "Kontrabida talaga siya sa lovelife natin," halos pabulong nang saad ni Cyrish na nagtalungko na sa kinauupuan nito. Tinampal ko sa balikat ang babae kasabay ng pagkunot ng noo ko. "Ikaw kung may sinasabi si Tiyang, sundin mo, masyado kang halata, eh. Bulgaran na pagkagusto mo o baka naman after ka lang sa pera, ha." Agad natakpan ni Cyrish ang bunganga ko. Namimilog ang mata nito habang nakatingin sa likod ko. May nginunguso ito sa'kin pero hindi ito makapagsalita. Nang hindi ko ma-gets, agad nitong hinawakan ang ulo ko para mapaharap ako sa tatlong lalaki na—nanlaki rin ang mata ko. Hubo't hubad sina Zyair, Brandon at Jerry kaya naipilig ko nang paulit-ul

