"Isa lang ang napansin ko, Zyair, humina ang kapangyarihan nila nang maipatak na ni Nelrose ang unang likido. Kung nagawa sana natin ang pangalawa, baka tuluyan nang naglaho ang mga iyon." Napatingin ako kay tatay. Tama ito! Hinihintay ko na lamang si Nelrose para makabalik kami sa lugar na iyon para muling subukan ang pagpatak kahit pa tanghaling tapat na. Pangatlong beses na ito dahil bigo kami sa pangalawang tangka. Ito minsan ang problema sa babae, masyado itong mabagal magbihis dahil sa rami ng seremonyas na ginagawa nito sa katawan. Napaawang ang labi ko nang sumulpot ang babae sa harap ko. "Nelrose?" Takang-taka ako sa nakikita ko ngayon sa kanya. "What's that?" inis kong tanong at agad sinipat ang suot nito. Naka-bathing suit ang babae sa harap ko ngayon. "A-ano ka ba! Ipapatak l

