Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa mga halamang iyon. Ang bulaklak nito na kulay ginto, nakakasilaw ang liwanag nito. Parang panaginip lang pero totoo pala ang mga ito. Para akong naduduling sa pagkakatingin ko rito nang lapitan ko ito lalo para mabistahan nang maigi. "Tama ako! Dito nga matatagpuan ang mga 'yan sa gubat na 'to. Makakauwi na tayo. Sakto ang napag-usapan namin ng piloto na makakaalis tayo rito pagkatapos ng dalawang araw." Napangiti ako sa sobrang saya. Nasa harap na namin ang Datura Nerium. Ang panaginip ko na iyon, ito ang nagdala sa'min para hanapin ko sa loob ng kuweba ang halaman, mismo sa kung saan kami nagtago. Nasa loob lang pala ito. Nararamdaman ko ang tulong na ginagawa sa'min ng mga Mondaborian, na-trap ang mga kaluluwa ng mga ito. Kailangan ng mga ito

