Malakas na kalabog ng pinto ang nagpalikwas sa'kin. Nakaupo na si Zyair nang malingunan ko. Sunod-sunod na pagbayo sa pinto ang ginagawa ng kung sinuman sa labas. Isa-isa kong dinampot ang mga damit ko bago ito sinuot. Sa sobrang pag-iisip ko kagabi kay Abellius, hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Napapisik na naman ako nang sunod-sunod na kalabog ang narinig ko kasabay ng pagtawag ni Brandon sa pangalan ko. Agad itong nabuksan ni Zyair nang makapagbihis na kami. "W-why, Brandon?" May inis sa boses ni Zyair nang pagbuksan nito ang lalaki. "It's too early, dude." "N-Nelrose, sina Nanay mo at Uncle Tom mo, bilisan niyo. Umakyat muna kayo." Saglit na natigilan si Brandon nang makita ang dalawa pero agad din itong tumalikod. Napasunod ako bigla nang tahakin nito ang pasilyo pap

