Kanina pa'ko sumusunod sa lalaking ito hanggang makaramdam ako ng pagod. "Hoy, sino ka ba?" Ba't panay ang punta mo sa bahay?" Natigilan ako nang huminto ito bigla. Nakita ko na naman ang lalaki sa bintana ko kaya napalabas ako ng bahay kanina hanggang nga makarating na kami sa kasukalan ng gubat na ito. Walang nakapansin sa paglabas ko sa bahay. May manhunt operation na ginagawa ang mga kalalakihan para hanapin sina Abellius at ang doktor na'yon pero hindi na matagpuan ang mga ito. Tuloy-yuloy lamang ang paglalakad muli ng lalaki pero tumigil na'ko sa kasusunod dito. Huminto rin ito sa harap ko pero nakatalikod pa rin ito. Dahan-dahan ang pagbaling nito sa'kin pero ang lalaki, wala itong mukha kaya napasigaw ako sa sobrang pagkatakot ko. Isang malakas na sampal ang nagpagising sa'kin, s

