Ang mga ungol na iyon, napakalakas na. Tuluyan nang sumapit ang dilim sa labas nang tingnan ko ang oras sa relong pambisig ko. Tulog na tulog na ang babae sa tabi ko. Alisto rin ako sa paligid ko dahil wala akong tiwala sa matandang iyon. Walang katotohanan ang pinagsasabi nito at papatunayan ko rito na maling-mali ito sa pinapaniwalaan nito. Mabilis kong hinalikan sa noo si Nelrose. Isang bagay ang nilabas ko sa bag ko, a ring with a small diamond. Napangiti ako nang kuminang ito sa sinag ng emergency flashlight na dala ko nang pailawan ko ito. Nabili ko ito sa bansa kung nasaan kami huling nagkahiwalay ng babae. Dahan-dahan ko itong sinuot sa isang daliri niya. Sumakto ang tinantiya kong size ng kamay niya. Malugod kong dinampian ng halik ang kamay nito. Marami pa kaming susuungin na m

