Nagtatakbuhan ang mga tao kasabay ng pagtakbo ko pero napahinto ako bigla. Suot-suot ko ang mabalahibong balat ng oso. Labis ang pagtataka ko sa suot ko ngayon. Nakikita ko sa unahan ang nagkukumpulang tao. May pinag-uusapan ang mga ito pero hindi ko mawari kung ano ito kaya pilit akong lumapit sa mga ito. May kung anong bagay ang pumipigil sa'kin na hindi ko ma-explain dahil sa pagpipilit kong lalong lumapit, hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Nasaan ako? May pagtataka kong inisa-isa ang mga ito at labis ang naramdaman kong kaba. "Ano'ng na-nangyayari r-rito?" Nautal ako bigla nang may mapansin ako. Ang paligid. Ang mga tao... "Torck Loin, ilang beses na natin itong ginagawa pero lagi tayong bigo. Ang mga kasamahan natin, naging halimaw na sila. Nilukob ng kapangyarihang itim a

