Episode 53: Nelrose

2102 Words

Nanginginig ang buong katawan ko nang unti-unti kong imulat ang mata ko. Nasa'n ako? Napakadilim. Ang mga kalamnan ko, sumisigid ang kirot nito. Para akong binugbog at halos hindi na'ko makabangon. Napakurap-kurap ako nang aninagin ko ang paligid pero wala akong makita. "Ouch.." Napaiyak ako nang mahawakan ko ang braso ko. Kahit hindi ko ito makita, alam kong sugat ito dahil napakahadpi nito nang bigla kong hawakan. Unti-unting nag-flasback sa utak ko ang nangyari. "C-Cyrish?" Naalala ko ang kapatid ko na nakagapos pero natigilan ako nang maalala ko ang doktor na iyon. Nasa'n na sila? Patay na ba'ko? "Zyaiir!! C-Cyrish, s-sumagot ka!" Sinundan ko ito nang malakas at paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ni Zyair. Ubod lakas akong sumigaw hanggang mamaos na lang ako, wala pa ring tumutulong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD