Nakapaikot kaming lahat sa kweba pero malalayo ang distansiya namin. Kung totoo ang sinasabi ng lalaking dito bumabalik si Abellius, malamang ang lalaking 'yon ang may kagagawan kung ba't nasaniban si Nelrose. Taglay pa rin Abellius ang kapangyarihang itim dahil tao pa rin ito kaya hindi ito nasama sa mga naglaho nang magsara ang lagusan. Hindi na nakapagtataka! Inabot lang kami ng hapon pero walang dumating na Abellius. Gusto ko nang umalis sa lugar nang maging pula na ang kalangitan pero ang mga kasama ko, hindi ito sumusuko sa paghihintay. Patayo na ako buhat sa pagkakadapa ko nang mamataan ko ang paggalawan ng mga sanga ng puno. Hindi pangkaraniwan ang hangin. Kakaiba ang paggalaw ng mga puno pero nangangamba ako sa paglaganap ng dilim mamaya. Mahihirapan kaming lahat oras na mangyari

