Episode 51

1838 Words

Puno ng takot ang mga mata ng kalalakihan nang ngumisi ang babae. Sa saliw ng malakas na hangin, nililipad ang mahaba nitong buhok kasabay ng mahinang pag-ungol nito. Napaurong ang mga lalaki nang makita ang dulo ng daliri ng paa ng babae, ito lamang ang nakaapak sa lupa kaya nagmukha itong nakatingkayad. Dahan-dahan pa itong lumiyad bago ito naglakad papunta sa gawi ng mga kalalakihan nang dahan-dahan. Bawat pag-apak ng paa nito sa lupa, bumabaon ito at nag-iiwan ng maliit na butas sa lupa. Napakabigat ng bawat hakbang na ginagawa nito. Animo malaking tao ito nang maglakad ito at pasalampak ang pagtapak nito sa lupa na lumilikha pa ng malakas na tunog. "Ano'ng nangyayari sa kanya?" Nahintakutang sigaw ng lalaki na nakahawak kanina kay Nelrose. "Demonyo ang babaeng ito. Paputukan niyo na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD