Masakit ang ulo ko nang magising ako pero hindi ako makagalaw. Nang idilat ko ang mata ko, si Cyrish ang agad kong nakita pero nagulantang ako sa isa pang nabuglawan ko, ang doktor na 'to, ngiting-ngiti ito sa harap ko habang pinapasadahan nito ang mukha ko. "She's awake. Free her. I'm happy to see you again, young lady. Remember me?" Nakangising nilapit ng lalaki ang mukha sa dalaga. "We met in Mondabor, nice meeting you again. Aren't you going to welcome me? Or should I welcome myself?" Napahalakhak pa ito nang senyasan nito ang isang tao para kalagan ang nahintakutang babae. "I can't wait to see your lifeless body in front of me. I was so devastated by my first failed mission but here I am again. Let's end what I started..." Gusto kong murahin ang matandang doktor na'to pero may nakad

