"Wala?" halos pasigaw kong tanong kay Brandon nang makabalik na ito mula sa paghahanap nito. "Na-check mo na ba lahat, Brandon? Imposibleng wala ang dalawang iyon!" Tumalikod lang ang lalaki na hindi sinagot ang tanong ko. Kanina pa namin hinahanap ang dalawang babae sa loob ng bahay at labas pero wala ang mga ito. Tumulong din sina Tatay at Aling Joy sa paghahanap pati si Jerry pero kahit ang mga ito, bigo ring makita ang hinahanap namin. "Zyair, I'm s-scared. Please, don't leave me." Agad humawak sa braso ni Zyair si Lorin nang akbang palabas na ng pinto ang binata. "You said, you will drop me off to the hotel, why you're leaving again?" "Lorin, Jerry will do that for you. I need to go, ok?" Mabilis kong tinanggal ang braso ng babae nang yumakap ito sa'kin. Mas nag-aalala ako kung nas

