Sino ba ang tinutukoy nito? Nahintakutan ako nang ma-realize ko na malayo na pala ang nilakad namin. Hindi ko na makita ang bahay at si Cyrish, nakapasok na ito sa likod ng batong pinagdalhan sa'min. Napasunod ako rito sabay hila rito palabas. b****a ng kuweba ang natatakpan ng bato. Hindi ito mahahalata kung hindi mismo papasukin. "Cyrish, umayos ka! Delikado pa baka mamaya, mapahamak ka diyan. Hindi ka nag-iisip, sugod ka lang nang sugod!" Nahila ko sa kwelyo ang babae nang magpatiuna itong pumasok. "Diyan ko sa loob nasundan ang taong 'yon." Pagpapatuloy ng lalaki bago muling nagpatiuna ng lakad. Umalis ito palayo sa kuweba. "Tuwing gabi ko siya namamataang pumapasok dito." "Umalis na tayo rito," inis kong kinalakadkad si Cyrish palabas ng kuweba. Napasunod kami ulit sa lalaki nang

