Pigil ko ang hininga ko nang tuluyang makapasok sa maalikabok na cabinet habang yakap na si Nelrose na wala pa ring malay. Naamoy ko ang sangsang sa loob at ang alikabok, nanunuot ito sa ilong ko pero pigil ko ang sarili ko nang tuluyang kumalabog nang malakas ang pinto. Paulit-ulit ito na animo'y marami ang pilit sumisira sa likod nito. Nawasak na ang pinto ilang sandali pa at tuluyan nang nagsilabasan ang usok, ang mga maiitim na usok ang pumuno sa silid na iyon. Isang siwang ang nagsilbing tulong ko para makita ko ang nangyayari sa kwartong ito. Sunod-sunod na sigaw ang naririnig ko bago tuluyang nawala ang maiitim na usok na iyon. Sa nanlalaki kong mata, nakita ko kung paano lumipad ang dalawang babae kanina habang pinapalibutan na naman ito ng maitim na usok. Nakaagaw sa pansin ko a

