Ungol ng babae ang nagpaangat sa mukha ko buhat sa pagkakasubsob sa dibdib nito ilang oras pa ang lumipas. May pag-aalala ko itong tiningnan nang imulat nito nang dahan-dahan ang mata. Halos makatulog na'ko sa paghihintay na magising ito. Sunod-sunod ang pag-ubo nito at wari'y kinakapos ng hininga. "N-Nelrose, h-hey!" "Z-Zyair?" "H-How a-are you?" Mabilis kong tiningnan ang sugat niya, nando'n pa rin. Nalagyan ko na ito ng gauze at naampat na rin ang pagdurugo nito. Sa kalagayan nito kanina, posible na itong namatay pero may kakaiba sa babae na hindi ko ma-explain. Hindi ito basta-basta namamatay kahit pa malalim ang sugat na tinamo nito. Sa rami ng dugong lumabas dito kanina, malamang wala na rin ito ngayon but-- Sa panahon ni Tatay Herming, namatay ang lalaking may taglay ng dugo na

