Abellius? So that guy is not a human, he's a special one kung kaya nitong magkatawang tao. Mula sa pag-i-interview sa mga kalalakihan, nakakuha ako ng hint kung saan patungo ang tinutukoy ng mga ito. Up South. Nagbabiyahe na naman kami ni Nelrose para sundan ang tinuro na daan kung saan ng mga ito nakita sa huling pagkakataon ang lalaki, si Abellius. Sinundan namin ang daan kung saan lumulubog ang araw gamit ang compass, parteng South ito. Ang mga tribo ng Mondaborians sa pagsasaliksik ko, ay sinasamba ang buwan at pinapaniwalaang ito ang makapagbibigay ng kapangyarihan sa mga ito. "Z-Zyair, pwedeng b-bang kumain muna tayo--" "Nelrose, nasa bag ang mga pagkain, you know that. Help yourself." Inapakan ko ang accelerator ng sasakyan, isa itong small type jeepney na nirentahan ko para m

